‘Selfie sex’ ni Ryza Cenon bentang-benta sa mga sinehan

RYZA CENON

NASA Trinoma Mall kami nitong nagdaang weekend ng gabi para magpalipas ng trapik at magpatila ng ulan kaya nagkaroon kami ng pagkakataong makiusyoso kung anong mga pelikula ang malakas at mahina na kasali sa Pista ng Pelikulang Pilipino.

Labindalawang pelikula ang kasama sa PPP at sabi sa amin ng takilyera ay lima na ang hindi na ipalalabas pagdating ng Sabado.

Mainit na pinag-uusapan ang “100 Tula Para Kay Stella” nina JC Santos at Bela Padilla kaya naman pinipilahan pa rin ito sa sinehan hanggang ngayon na karamihan ay mga estudyante na naka-uniporme pa bukod pa sa mga nag-oopisina na kasama ang kanilang mga partner.

Aliw naman ang mga narinig naming komento tungkol sa pelikulang “Ang Manananggal sa Unit 23B” nina Ryza Cenon at Martin del Rosario, hot na ma-nananggal daw ang aktres. Sabi nga ng mga nakausap naming mga lalaki, papayag silang maging boyfriend ng manananggal basta kasing ganda at kasingseksi ni Ryza.

“Okay na akong ma-nananggal ang girlfriend ko, kasi tiyak hindi naman ako papatayin no’n, tulad ni Martin, mahal niya kaya hindi siya pinatay,” sabi ng isang binatilyo sa amin.

May nag-comment din ng, “Putris kung gano’n kahilig ang dyowa mo, papatusin ko na.”

Sobrang mapangahas nga naman ang masturbation scene ni Ryza sa movie na idinirek ni Prime Cruz mula sa IdeaFirst Company. Ang gaganda ng mga shots ni direk Prime lalo na ang mga kuha mula sa itaas.

Sa isip namin ay parang si Ryza lang ang may kayang gumawa ng ganitong mga eksena dahil ‘yung ibang artista ay malamang hindi papayag lalo na ang may mga pangalan na.

Samantala, base sa nakuha naming update ng ranking last weekend, nananatiling nasa unang puwesto ang “100 Tula Para Kay Stella”, 2nd ang “Patay na si Hesus”, 3rd ang “Bar Boys” habang naglalaban naman sa ikaapat na pwesto ang “Mananaggal” at “Star na si Van Damme Stallone.”

Nasa ikalimang puwesto ang “AWOL”, ikaanim ang “Salvage”, si-nundan ng “Birdshot”, “Hamog”, “Triptiko”, “Pauwi Na” at “Paglipay.”

Last Saturday din ay nag-cinema tour ang cast ng “Ang Manananggal sa Unit 23B” sa SM The Block, Trinoma Cinema, SM Megmall at SM MOA at talagang pinagkaguluhan sila ng mga taong naroon na kanya-kanyang selfie kina Ryza at Martin.

Sabi nga ng takilyerang nakausap namin, “Nakakatulong po ang mall tour ng mga artista sa pelikula nila kasi nakikita sila ng tao. Tulad ng Star na si Van Damme, nakita sina Candy Pangilinan at ‘yung batang kasama niya sa movie, kaya biglang dumami po ang nanood.”

q q q

Mas maraming Pilipino pa rin ang tumututok sa FPJ’s Ang Probinsyano, na saludong-saludo sa ipinakitang tibay ng loob at katapangan ng mga kasamahan ni Cardo (Coco Martin) sa Special Action Force (SAF) upang maprotektahan ang misyon niyang sugpuin ang grupong Pulang Araw.

Matindi ang pinagdaanang pagpapahirap nina Gerardo (Ejay Falcon), Katrina (Lousie delos Reyes), at Bernardo (Ron Morales) sa kamay ng grupo ni Alakdan (Jhong Hilario) upang mapaamin sa tunay na pagkatao ni Cardo, na nga-yon ay nagpapanggap bilang kakampi ng Pulang Araw.

Pero nanindigan ang mga sundalong hindi nila kilala si Cardo, dahilan para mas lalong silang pahirapan at humantong sa malagim na pagkamatay ni Bernardo.

Samantala, tuloy-tuloy naman ang tapatan nina Cardo at Leo (Mark Lapid) dahil sa kanilang paghihinala sa tunay na intensyon ng una sa pagsama sa kanilang grupo. Ngunit mas magiging magulo pa ang sitwasyon sa mga susunod na episode.

Napapanood pa rin ang FPJAP sa Primetime Bida pagkatapos ng TV Patrol.

Read more...