HOROSCOPE June 13, 2013

Para sa may kaarawan ngayon: Tatanglaw ang Venus, Saturn at Moon sa iyong tadhana. Magka-halong suwerte at negatibong kapalaran ang darating. Panatiliin ang ugaling pala-simba at pala-dasalin. Mahiwaga mong mantra: “Yama-Yoga-Budha-Nanda” Yellow at blue ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) —        Sa araw na ito baguhin ang ayos ng bahay. Ilayo sa dingding ng dalawang pulgada ang kamang higaan. Panatiliing bukas ang bintana sa silangan. Dagdagan ng maraming ilaw ang sala. Sa ganyang pagbabago, ang uhay mo ay sasagana at liligaya.  Mapalad ang 5, 17, 26, 34, 44 at 47. Mahiwag mong mantra: “Udatta-Savitra-Om.” Violet at white ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) —        Sa pinansiyal, ngayon na ang tamang panahon upang mag-isip ng dagdag na pagkakakitaan. Sa pag-ibig, ayain ang minamahal sa tahimik na silid at duon nyo pag usapan ang mga bagay na may kaugnayan sa salapi. Mapalad ang 1, 6, 28, 37, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Om-Namo-Narahayana-Om.” Lilac at red ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) —       ‘Wag palagpasin ang suwerte! Kung dumami ang pera, itabi upang may magamit sa panahon ng kagipitan. Kung uminit ang dating malamig na relasyon, saidin mo ng lubos ang kaligayahan – bukas makalawa lilipas din yan. Mapalad ang 5, 14, 25, 34, 41 at 46. Mahiwaga mong mantra: “This too shall pass!” Green at purple ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) —          Maikli lang ang buhay. Gawin agad ang ano mang bagay na nasa isip. Wag magpatumpik-tumpik. Lakas ng loob ang kailangan upang lumigaya at umunlad. Mapalad ang 2, 16, 23, 29, 33, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Dhipana-Bodhana-Nanda-Om.” Pink at red ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) —         “Sun” ang ruling planet mo. Habang hindi pa lubusang nagtata-ulan, patuloy ang dating ng suwerte. Isang nilalang na naka-kulay orange ang lihim na naglalaway sayo – kilalalnin mo siya malaking halaga ang iaabot niya sa iyo. Mapalad ang 1, 8, 28, 40, 43 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Ubur-Minna-Om”. Bukod sa orange ang beige ay buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) —            Itigil ang kadaldalan. Hayaang bumangka at magkuwento ang iyong kasuyo kaysa sa ikaw ang laging nagsasalita. Makinig na mabuti sa kausap kaysa ikaw lagi ang pinapakinggan, upang mas madali mong siya mapasang-ayon sa iyong kagustuhan. Mapalad ang 5, 14, 22, 32, 40 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Sha-Riga-Pad-Hani-Om.” Gray at green ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) —             Hindi lang emosyon at sexual na aspeto ang nagpapaligaya. Ang salapi ay nagpapaligaya din. Simulan mo na ngangyong magipon ng maraming-maraming pera, upang sa iyong pagtanda habang buhay kang lumigaya. Mapalad ang 3, 13, 21, 27, 33 at 40. Mahiwaga mong mantra: “Doysa-Mina-Om.” Red at maroon ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) —       Muli mong makikita ang isang tao na dati ng nagbigay sa iyo ng suwerte. Sunggaban mo siya ng yakap sa muli ninyong pagkikita. Siya ang lulutas sa iyong mga problema. Mapalad ang 5, 17, 28, 33, 40 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Shanti-Beeja-Beeja-Om.” Voiolet at purple ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—     ‘Wag ng problemahin ang iyong mga pagkakautang, kusa mo rin yang mababayaran pagdating ng panahon. Sa pag-ibig, damhin ng lubos ang huling yakap ng kasuyo bago siya mangibang bansa. Mapalad ang 2, 19, 29, 37, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Harin-Aum-Arham.” Red at green ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) —  Baka hindi mo napapansin boring kang kasama? Magpatawa ka naman! Sa pinansiyal kung lagi kang nakangiti mas maaakit mo ang mas maraming pera. Sa pag-ibig, kilitiin ang minamahal sa kilikili – hindi masama ang magbiruan. Mapalad ang 4, 8, 29, 38, 41 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Maya-Beeja-Blanca-Om.” Peach at yellow ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) —           ‘Wag pairalin ang pabago-bagong isip. Sa pinansyal, kung hindi ka magko-concentrate sa pag-iipon at pagtitipid, paano ka yayaman? Sa pag-ibig, laging ilagay sa isip ang minamahal upang hindi ka magkasala. Mapalad ang 2, 16, 25, 34, 40 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Padma-Purana-Om.” Blue at maroon ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) —          ‘Wag mong sayangin ang panahon sa kaiisip. Sa pinansyal, wag ka nang mag-plano ng kung ano-ano kumilos ka agad. Sa pag-ibig, sugod lang ng sugod, upang makasapol ng true love. Mapalad ang 7, 16, 18, 27, 36, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Arjuna-Om.” Orange at blue ang buenas.

Read more...