'Parking lot scandal' nina Joyce Bernal at Gil Cuerva ilusyon lang | Bandera

‘Parking lot scandal’ nina Joyce Bernal at Gil Cuerva ilusyon lang

Jobert Sucaldito - August 20, 2017 - 12:30 AM


CHEAP issue itong nabasa namin tungkol sa diumano’y parking scandal nina Direk Joyce Bernal and newcomer Gil Cuerva. Pangit na publicity slant ito kung may balak silang gamitin ito to promote something.

Enough nang natsismis dati itong si Joyce kay Robin Padilla many years ago na sabi’y kakosa lang daw ni Binoe sa Bilibid Prisons ang nakabuntis sa kanya at hindi ang mister ni Mariel Rodriguez.

Ang balita kasi namin ay hindi si Joyce ang tunay na nagmamay-ari kay Gil but someone else na close rin kay Joyce. Kumbaga, nililihis lang daw nila ang isyu. Parang “Saving Private Ryan” lang ang drama. Not the movie ha, figure of speech lang kasi nga unti-unti na raw nabubuko ang special closeness nitong si Gil and the other subject being saved from public eye. Sino kaya iyon? Papa o Mama?

Anyway, nag-react na raw si Joyce about this issue, hindi raw totoo ang pumutok na balita na meron silang ginagawang karumal-dumal ni Gil sa isang parking lot. Hindi naman daw siya poor para hindi maka-afford to rent a place kung kailangang may ganoong ganap. May pera naman daw siyang pambayad, ‘no!

“Sa palagay niyo ba, papatulan siya ni Gil? Sa dinami-dami ng mga magagandang babae at mayayaman pa eh, kay Joyce lang siya mapupunta? Kalokohan!” tili ng isang selosang bakla na parang matindi ang tama kay Gil.

“Baliw-baliwan din iyang si Joyce, di ba? Hindi naman imposibleng mangyari iyan dahil kung nabuntis nga iyan sa pagdalaw kay Robin sa kulungan noon, heto pa kaya ang imposibleng mangyari. Lalo pa’t may pera na siya ngayon. Tsaka, di ba manginginom iyan si Joyce? Di ba’t balitang sobrang nalasing ‘yan sa birthday party ni Sen. Jinggoy Estrada at talagang nang-agaw nang eksena?” sabi ng isang baklang parang may galit kay Joyce.

Hoy! Walang ganyanan. Yung parking scandal lang ang isyu natin. Huwag kang lumihis. Ayaw ng mga fans ng ganyan. Hayaan mo si Direk Joyce kung ano ang trip niya. Inaano ka ba niya, huh?
Basta ako, may ibang alam. Parang sinasalo na lang daw ni Direk Joyce ang isyu para ma-cover up kung sino talaga ang karelasyon nitong si Gil. Your guess is just as good as mine.

q q q

Nung isang araw ay napakasama ng gising ko after kong mabasa sa Facebook ang pagpatay ng tatlong pulis sa 17-year-old student na si Kian Lloyd delos Santos sa Caloocan City as part of their Oplan Galugad. And when I opened the site, napanood ko ang interbyu sa umiiyak nitong ama na sobrang sakit ang naramdaman sa walang-awang pagpatay sa mabait niyang anak.

May lumabas pang dalawang witnesses who said na hindi totoong nanlaban ang bata, na diumano’y nahulihan ng mga pulis ng dalawang sachet ng shabu at isang cal. 45. Ang totoo raw, dinampot daw nila ang binatilyo na galing sa tindahan at dinala sa isang lugar kung saan siya pinatay. Pilit siyang inabutan ng baril at inutusang paputukin bago nila binaril hanggang mamatay. Nakita sa CCTV ang totoong pangyayari. Napakasakit isipin.

Ang ina ng bata na isang OFW ay dali-daling uuwi at imadyinin ninyo kung gaano kasakit para sa kanya na halos magkandakuba sa pagtatrabaho sa ibang bansa para may ipantustos sa nag-aaral na anak na nais maging pulis balang-araw ngunit bangkay na kag ang makikita niya.

Iyak ako nang iyak habang binabasa ko ang kuwento ng batang ito who was clad in boxer shorts and shirt. Kumbaga, galing lang ito sa isang tindahan at pauwi na siguro nang damputin ng mga walanghiyang pulis na ito.

“Paanong meron siyang sachet ng shabu at baril eh, naka-boxers lang yata siya? Saan niya inilagay ang baril at shabu. Mga hayop talaga!” sabi ng isang netizen.

Habang iniimbestigahan daw ang kaso ay na-relieve na ang tatlong pulis invloved in this case. Hurt ako masyado dahil I also have a son sa Grade 11. God forbid pero sabi ko nga, huwag naman sanang mangyari ito sa anak ko dahil hindi na ako maghihintay ng imbestigasyon, ako mismo ang papatay sa mga may gawa even if it causes me my life.

Malungkot isiping kasama ito sa utos ng Pangulong Rodrigo Duterte ng bansa natin. Ang patayin ang mga suspected drug pushers and users. Yung iba kasi ay binibigyan niya ng cash reward pag wanted na at yung iba naman ay pinu-promote niya pag marami nang napapatay. Padamihan lang ba ito ng mapapatay para masabing matagumpay sila sa kanilang operasyon? This is not just crazy, this is really scary. Our country seems to be not a safe place to live in na today.

Paano na ang mga anak natin? Kanino natin sila ipagkakatiwala kung mismong mga alagad ng batas na dapat sana’y protektahan sila pero sila pa ang kikitil ng mga buhay nila. My heart is revolting. Nakakaiyak at nakakagalit. Hindi man natin sila nilalahat pero napakarami talagang tiwaling pulis ngayon. Sila ang mga dapat mamatay!!!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nakakaiyak at nakakagalit. Hindi man natin sila nilalahat pero napakarami talagang tiwaling pulis ngayon. Sila ang mga dapat mamatay!!!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending