Gusto ng bumigay (2)

Sulat mula kay Nene ng San Bartolome, Novaliches, Quezon City
Problema:
1. Malapit na po ang birthday ng boyfriend ko, sa darating na September 16, ang problema noon nya pa ako pinaparinggan na wag ko na daw siyang ibili ng regalo sa halip, yon na lang daw na “alam ko na” ang gusto nya. Ang ibig pong sabihin ng “alam ko na” ay “sex” po. Kasi kapag nanonood kami ng sine madalas na pareho kaming bitin. Kaya pagaktapos ng sine inaaya nya ako sa pribadong lugar pero hindi naman po ako pumapayag. Kaya lang minsan, walang tao sa bahay nila at naiwan kaming dalawa lang, muntik na po niyang makuha ang pagkababae ko pero buti na lang ay may biglang dumating kaya hindi rin natuloy.
2. Gusto ko lang po sanang matiyak kung halimbawang bibigay na ako sa hiling ng boyfriend ko, kami na kaya ang magkakatuluyan? Compatible po ba kami at kung magkakatuluyan kami magkakaroon kaya kami ng isang masaya at maulad na pamilya habang buhay? May 1, 1994 ang birthday ng boyfriend ko at September 16, 1994 naman ang birthday ko.
Umaasa,
Nene ng Quezon City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Virgo (Illustration 2.) ang nagsasabing ka-compatible mo ang boyfriend mong Taurus, dahil ang Taurus at Virgo ay may iisang elemento – ang elementong earth o lupa. Ibig sabihin, malaki ang posibilidad na sa malapit na hinaharap kayo na nga ang magkakatulayan.
Numerology:
Samantala, ang birth date mong 16 ay nagkataong tugma din sa birth date ng boyfriend mo na 1. Ibig sabihin, sa sandaling kayo ang nagkatuluyan, itatala ang isang masaya at pang habang buhay na pagmamahalan.
Huling payo at paalala:
Nene, maliwanag ang sinasabi sa iyo ng iyong kapalaran, kung saan, ikaw lang ang nakakaalam dahil hindi mo naman binanggit sa iyong liham kung ikalawa o unang boyfriend mo ang boyfriend mo sa kasalukuyan. Kaya nga kung siya ang ikalawa, at siya ay may kayumangging kulay ng balat, tiyak ang magaganap, siya na ang iyong mapapangasawa at makakasama sa pagbuo ng isang maligaya, maunlad at pang habang buhay na pamilya.

Read more...