Cray, Obiena mamumuno sa PH track team medal hopefuls | Bandera

Cray, Obiena mamumuno sa PH track team medal hopefuls

Angelito Oredo - August 18, 2017 - 12:07 AM

Eric Shauwn Cray

PAMUMUNUAN nina pole vaulter Ernest John Obiena at 400m hurdles specialist Eric Shauwn Cray ang mga posibleng magwagi ng siyam na gintong medalya sa pagtungo ng buong Team Athletics Pilipinas ngayon sa National Stadium sa Bukit Jalil para lumahok sa athletics competition ng 29th Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Si Obiena, na patuloy na pinapaangat ang kanyang personal best at national pole vault record, ay nakatutok lamang sa gintong medalya na nagawang kumawala sa kanyang kamay sa Singapore Southeast Asian Games.

“I am really determined to get that medal that got away from me,” sabi ng 21-anyos na Engineering student sa University of Santo Tomas matapos umuwi para samahan ang kanyang mga kababayan sa send-off ng asosasyon para sa kabuuan nitong 38 atleta sa Marriott Hotel.

Itinala kamakailan ni Obiena ang pinakamataas nitong naabot na 5.61 metro sa isang torneo sa Germany, upang malampasan ang SEA Games gold standard na 5.30 meters ni Porranot Purahiong ng Thailand na naitala noong 2015 SEA Games sa Kallang, Singapore.

Sinabi naman ni National coach George Noel Posadas na nais nilang masiguro ang lakas ng Rio Olympian na si Cray para masungkit ang una sa posibleng dalawang ginto sa pagdepensa sa kanyang mga titulo sa 100m run at 400m hurdles.

“Wala kaming magagawa kundi siguruhin ang kanyang tsansa sa una niyang event,” sabi ni Posadas dahil tatakbo si Cray sa 400m hurdles muna bago pagkalipas ng 30 minuto ay sasabak naman ito sa centerpiece event na 100m dash.

Didiretso na si Cray patungo sa Malaysia mula sa London, England kung saan ito sumabak bagaman na-disqualify dahil sa fault start sa IAAF World Athletics Championships.

Umaasa rin si Posadas sa mga marathoners na sina Mary Joy Tabal at Jeson Agravante, na tatakbo umaga ng Agosto 19, ilang oras bago ang opening ceremony, para sa kanilang unang ginto.

Posible rin at malaki ang tsansang magwagi nina Harry Diones sa triple jump, Trenten Berram sa 200m run, Christopher Ulboc sa steeplechase, Mervin Guarte sa 800m, Janry Ubas sa long jump, Aries Toledo sa decathlon at kay Edgardo Alejan Jr. sa 400m run.

Optimistiko naman si athletics chief Philip Juico sa tsansa ng kanyang koponan.

“This is the first time I am walking with a little bounce,” sabi ni Juico. “We are hoping to equal or surpass our medal harvest from the 2015 Singapore SEA Games. God willing and with the right strategy and discipline, we can do it.”

Matatandaan na tumapos ang Pilipinas sa pangkalahatang ikaapat na puwesto sa athletics sa Singapore edition ng kada dalawang taong torneo sa likod ng Thailand, Vietnam, at Indonesia sa pag-uwi ng kabuuan na 5 ginto, 7 pilak at 9 na tansong medalya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Please always remember that when you go in Kuala Lumpur, you are representing 100 million Filipinos, so be proud as you compete but be humble and friendly in and out of the playing field. Keep your folks back home proud and with integrity as you represent them abroad,” sabi pa ni Juico.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending