Sulat mula kay Nene ng San Bartolome,
Novaliches, Quezon City
Dear Sir Greenfield,
Sa September 16 na po ang birthday ng boyfriend ko. Ang problema ay noon pa niya pa ako pinaparinggan na huwag ko na raw siyang ibili ng regalo. Ang gusto raw niya ay “yung alam ko na.” Obvious naman po na ang ibig niyang sabihin ay sex. Kapag nanonood kami ng sine ay madalas na pareho kaming bitin. Kaya pagkatapos ng sine ay inaaya niya ako sa pribadong lugar pero hindi naman po ako pumapayag. Kaya lang minsan, walang tao sa bahay nila at naiwan kaming dalawa lang, muntik na po niyang makuha ang pagkababae ko, buti na lang ay may biglang dumating kaya hindi rin natuloy. Gusto ko lang po sanang matiyak kung halimbawang bibigay na ako sa hiling ng boyfriend ko, kami na kaya ang magkakatuluyan? Compatible po ba kami at kung magkakatuluyan kami, magkakaroon kaya kami ng isang masaya at maulad na pamilya habambuhay? May 1, 1994 ang birthday ng boyfriend ko at September 16, 1994 naman ang birthday ko.
Umaasa,
Nene ng Quezon City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Hindi ka pa dapat bumigay kung ang kasalukuyan mong boyfriend ay una mo pa lang na boyfriend sapagkat may dalawang Marriage Line (Illustration 1. arrow 1. at 2.) sa iyong palad. Ang una ay medyo maikli (arrow 1.) habang ang ikalawa ay tuwid, mas maganda at mas mahaba (arrow 2.). Ibig sabihin, kung sino ang ikalawang magiging boyfriend mo na seryoso at totohanan, sa kanya ka dapat bumigay dahil siya na ang iyong makakatuluyan.
Cartomancy:
Queen of Clubs, Jack of Hearts at Jack of Clubs ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing bagamat pareho namang magiging tapat at mabait sa iyo ang dalawang lalaking magiging boyfriend mo, sadyang hindi kayo magkakatuluyan, habang ang ikalawa na medyo kayumanggi ang kulay ng balat ang tuluyan mong mapapangasawa.
Itutuloy…
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.