Karla ayaw nang makialam sa away nina Daniel at Paul
NAKAKATAWA ang reaksiyon ni Karla Estrada sa social media rift ng anak niyang si Daniel Padilla at crush naming bagets star na si Paul Salas, simple lang daw ang post ni Karla sa Twitter – “magsitulog na kayo.” Ha! Ha! Ha! Meaning, ayaw niyang kampihan ang anak niya dahil alam niyang away-bata lang ito. Kumbaga, pasasaan ba’t magkakaayos at magbabati rin balang-araw. Nagkakainitan lang dahil sa basketball kaya tuwang-tuwa kami sa pagiging cool ni Karlita.
Ganyan dapat mag-handle ng ganitong sitwasyon. Hindi yung conclusive agad. Kahit anak pa nga ni Karla ang involved, di siya nagsara ng pinto sa kampo ni Paul Salas kaya naaliw kami. Kung ibang nanay iyon na OA ay baka pinagmumura na si Paul.
Pareho naming love sina Paul and Daniel – si Daniel is a boy that all mothers would like to have as a son while Paul is the type of a sexy boy every gay would like to live with. Charrrottt! Ako lang iyon.
Kasi nga crush na crush ko ang bagets na ito, Usapang kaelyahan na naman ang pumasok sa isipan ko. Pero malayo naman ito sa nakasaad sa Republic Act 7610 dahil hindi na siya minor.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.