SOSYAL at mamahalin ang mermaid wedding gown na isinuot ni Rochelle Pangilinan sa kasal nila ni Arthur Solinap last Aug. 8 na ginanap sa Los Arboles, Tagaytay City.
Ang international designer na si Michael Cinco ang gumawa ng gown na fully embroidered at crystallized cape. Ayon kay Cinco, masterpiece niyang maituturing ang wedding gown, huh!
Matatandaang si Michael din ang gumawa ng bridal gown ni Marian Rivera worth P2 million.
Anyway star studded ang kasal nina Arthur at Rochelle. Ilan sa mga sumaksi sina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon, Pauleen Luna, Dingdong Dantes, Michael V, Manilyn Reynes, Sunshine Dizon, Jolina Magdangal, Allan K, Ruby Rodriguez at Paolo Ballesteros.
Present din sina Ogie Alcasid, Regine Velasquez, John Arcilla, Angelika at Mika dela Cruz, Max Collins, Mark Herras, Glaiza de Castro at marami pang iba.
Best wishes and congratulations, Arthur and Rochelle!