Sharon kay Sarah: Basta alam natin ang totoo…mahal kita!

NAGPASALAMAT ang ating Megastar na si Sharon Cuneta kay Sarah Geronimo matapos niyang matanggap ang mensahe nito sa gitna ng pang-iintriga sa kanila. May kumalat kasing balita na inisnab daw ni Mega ang Popstar.

Nilinaw na ni Shawie ang nasabing isyu at ipinagdiinan niyang walang nangyaring isnaban sa pagitan nila ni Sarah.

Sa kanyang Facebook account, nag-post si Mega ng mensaheng, “Just got your message, Sarah. Thanks so much bebegurl. Basta tayo alam natin ang totoo. The end na talaga ng issue na ito. Di talaga tayo pinababayaan ni God. Mahal kita.”

Nagbigay din siya ng message para naman sa mga bashers na patuloy na nangnenega sa kanila ni Lea Salonga, aniya sa kanyang FB post, “Last na po ito para tapos na: Hindi ako yung sinasabi ni Lea. Sorry pero we are in touch, di kami masisira!
End of issue.”

Hindi lang kami sigurado kung ano ang tinutukoy ni Shawie na sinabi raw ni Lea na in-assume ng mga netizens na siya raw yun. Pero ayan na nga, nilinaw na agad ni Sharon ang issue.

Read more...