AlDub inuulan ng blessing habang inuupakan

UMALMANG muli ang father ni Alden Richards na si Richard Faulkerson o Daddy Bae sa bashers ng kanyang anak sa mga tweet niya last weekend. Non-stop pa rin kasi ang pambu-bully sa kanila ng trolls sa social media.

“Kami po ay hindi nakikipagaway sa inyo…sana po ay isipin na kami ay walang ginagawang masama sa inyo,” tweet ni Daddy Bae.

Ito ang pangalawang beses na umalma ang tatay ni Alden. Nu’ng nakaraan ay tungkol sa isang DNA test na gusto niyang isagawa para lumabas ang katotohanan na anak niya ang bunsong si Angel at hindi kay Alden.

Samantala, isang fan naman nina Alden at Maine Mendoza ang naglabas ng “katas” ng paghihirap ng dalawa sa IG. Ipinost niya ang resto ni Alden na Concha’s at pag-aaring food chain ni Meng.

Bahagi ng post ni @kyliedoscope, “So, while you (bashers) bury yourself in misery, they (Alden-Maine) come out blessed. And what’s even greater about the owners of these businesses, they never forget to share their blessings to others.”

Read more...