Matteo, Sarah wala nang hiya-hiya, super PDA sa Cebu

KULAY-ROSAS ang mga kaganapan sa katatapos na Iron Man 70.3 na sinalihan ni Matteo Gudicelli.

Imagine, bago nagsimula ang sports event, nasa crowd ang girlfriend niyang si Sarah Geronimo na may dalang placard bilang suporta sa kanyang BF.

Nakasulat sa placard na hawak ni Sarah na inilabas sa Instagram ng ilang fans nila ang, “I’m supporting Matteo. Congrats my love! Gihigugma Tika!”

Tapos, pagdating sa finish line, waiting si Sarah kaya todo yakap naman sa kanya si Mat sa gitna ng maraming tao, base pa rin sa posts ng kanilang fans sa Instagram.

Sa isa namang post ni Matteo, hayun at magkasama silang kumakain ni Sarah kasama ang isang bata. Kilig na kilig ang followers niya sa litrato na yakap ng aktor sa bandang leeg si SG.

Bihira kasing ilantad ni Mat ang lambingan pics nila ni Sarah kaya nagbubunyi ang mga nagmamahal sa kanila!

Read more...