Gusto nang huminto sa pag-aaral (2)

Sulat mula kay Ryan ng Washington, Surigao City, Surigao del Norte
Problema:
1. Sa kasalukuyan po ay nag-aaral ako sa kolehiyo bilang guro, buwanan po ang bayad, tuwing mage-e-exam. Ang problema wala na kaming pambayad dahil utang lang ang pinambabayad namin sa tuition ko. Tuwing sasapit na lang ang bayaran ay nangungutang ang mama ko para lang mapagtapos ako ng pag-aaral, kaya sa pakiramdam ko pabigat na ako sa a-ming pamilya kaya balak ko na huminto at maghanap na lang ng trabaho.
2. Tama ba ang naiisip kong ito, huminto na lang ako at tumulong sa pagta-trabaho para mabawasan ang problema ng mga magulang ko? Kung hihinto ako at maghahanap ng trabaho matatanggap naman kaya ako? Magkakaroon kaya ako ng magandang trabaho? January 17, 1997 ang birthday ko.
Umaasa,
Ryan ng Surigao del Norte
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Capricorn (Illustration 2.) ay nagsasabing dalawang option ang puwede mong gawin: Una, magtiis pa ring nag-aaral kahit na sa utang nangagaling ang pang-tuition. At pa-ngalawa: Kapag huminto ka, makapagtatrabaho ka, magkakaroon ng sariling pera, pero hindi ka na makakatapos sa kolehiyo.
Numerology:
Ang birth date mong 17, ay nagsasabing sa sandaling nakatapos ka naman sa kolehiyo makapag-aabroad ka at sa ibang bansa, doon magaganap ang malaking pag-asenso. Kapag naman nagtrabaho ka agad, pagkalipas ng 31 years, mayaman ka na, dahil habang nagtatrabaho, matututo kang mag-negosyo.
Graphology:
Sa bagay ano man ang piliin mo, ang mahalaga ay ayusin mo muna ang i-yong lagda. Hindi mo ito dapat lagyan ng maraming bilog upang ito ay hindi maburara. Kapag wala ng bilog ang iyong pirma, at hindi na naburara, kahit mag hinto ka sa pag-aaral o magpatuloy, sa bandang huli yayaman ka.
Huling payo at paalala:
Ryan ayon sa iyong kapalaran kapag naghinto ka ng pag-aaral, asahan mong hindi ka na makakatapos pa ng kolehiyo pero magkapagtatrabaho ka at yayaman. Kapag nagpatuloy ka ng pag-aaral, makakatapos ka at pagka-tapos ng 5 years, makapag-aabroad ka na siya na ring magiging simula ng tuloy-tuloy mong pag-unlad at pag-asenso. Kaya nga sa pagkakataong ito ikaw ang pinagdedesyon ng iyong kapalaran, anoman ang piliin mong landas – sa pag-unlad ng kabuhayan at pagyaman ang dulong hantungan.

Read more...