Magkakasunod na lindol yumanig sa southern Leyte | Bandera

Magkakasunod na lindol yumanig sa southern Leyte

Leifbilly Begas - August 06, 2017 - 03:36 PM

  Niyanig ng magkakasunod na lindol ang Southern Leyte  kagabi.     Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang magnitude 4.5 lindol alas-7:12 ng gabi.     Ang sentro nito ay 10 kilometro sa silangan ng San Francisco at may lalim na apat na kilometro.     Nagdulot ito ng Intensity IV paggalaw sa San Francisco at Pintuyan sa Southern Leyte. Intensity III sa San Ricardo, Liloan at Padre Burgos at Intensity II sa Maasin City.     Nasundan ito ng magnitude 2.8 sa kaparehong lugar alas-7:54 ng gabi. Ang sentro nito ay 16 kilometro sa silangan ng San Francisco at may lalim na dalawang kilometro.     Nagresulta ito sa Intensity II paggalaw sa San Francisco, Padre Burgos at Pintuyan.     Alas-8:18 ng gabi naramdaman ang magnitude 2.4. Ang sentro nito ay 17 kilometro sa silangan ng San Francisco at lalim na isang kilometro.       Ang mga lindol ay sanhi ng paggalaw ng tectonic plate sa lugar.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending