Artista sakop na ng SSS

MAGIGING miyembro na ng Social Security System (SSS) ang 1,600 manggagawa sa industriya ng pelikula at telebisyon matapos pumirma sa isang Memorandum of Agreement (MOA) ang SSS at ang Katipunan ng mga Artistang Pilipino sa Pelikula at Telebisyon (KAPPT) o Actors Guild of the Philippines nitong Biyernes.

Ang nasabing kasunduan na tinaguriang “ArtistaSSSya” ay naglalayong ayusin ang compulsory coverage at pagbabayad ng kontribusyon ng mga self-employed na miyembro ng KAPPT na binubuo ng mga aktor, aktres, mang-aawit, producer, mga personalidad sa entablado, commercial artists at stunt men.

Ang sining ang pinakamataas na uri ng pagpapahayag ng isip at damdamin kaya dapat alagaan ang mga taong nasa pinilakang-tabing. Kailangan din na tiyakin na protektado sila sa hinaharap lalo na kapag sila ay nagretiro

Sa ilalim ng kasunduan, magtatalaga ang SSS ng Account Officer (AO) na magsasagawa ng on-site registration para sa lahat ng kwalipikadong miyembro ng KAPPT.

Pangangasiwaan din ng AO ang lahat ng transaksyon na may kinalaman sa SSS gaya ng pagpoproseso ng registration forms, pagtanggap ng reports, application forms at iba pang dokumento, kabilang ang enrollment sa Unified Multi-purpose Identification (UMID) Card.

Babayaran ng samahan ang inisyal na kontribusyon upang mahikayat ang kanilang mga kasapi na maging miyembro ng SSS.

Babayaran ang inisyal na SSS contribution ng unang 250 aktibong miyembro upang mahikayat na makilahok.

Magsasagawa ang SSS ng information seminars at magbibigay ng reference materials sa KAPPT upang turuan ang mga kasapi nito.

Gaganapin ang mga orientation upang turuan ang mga miyembro ng KAPPT kung paano gamitin ang SSS online facility para tingnan ang kanilang personal records pati ang ibang paraan ng pagbabayad sa SSS.

Dahil sa laki ng kanilang impluwensya ay magsisilbing tagapagtaguyod ng social security protection ang KAPPT sa pamamagitan ng pagtuturo sa kanilang kasapi ng mga programa, patakaran, benepisyo at pribilehiyong hatid ng SSS gamit ang kanilang website, social media sites at newsletter. Kinakaila-ngan din gumawa ang organisasyon ng SSS corner sa mga lugar, distrito at sangay ng KAPPT.

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Read more...