Aktres niloloko ang dyowang tibo, binalikan ang ex-BF na aktor

PINAGPISTAHAN sa isang umpukan ng mga miron ang kakaibang kuwento ng isang triangle sa showbiz. Kakaiba talaga dahil ang mga sangkot sa istorya ay isang female personality, isang aktor at ang third wheel na isang tibo.

Nu’ng mga bagets pa ang girl at ang boy ay nagkaroon na sila ng relasyon, kahit mga bata pa sila ay seryoso na ang pagmamahalan nila, pero kinailangan nilang magkahiwalay nang mangibang-bansa ang babaeng personalidad.

Maraming taon silang nagkani-kanya ng buhay, nagpakasal sa ibang artista ang aktor, ang babae naman ay nagkaroon ng karelasyong nag-aanyong lalaki pero dinadatnan din naman buwan-buwan.

Kuwento ng aming source, “Wala silang communication nang mahabang panahon, hanggang sa magkahiwalay na ang guy at ang pinakasalan niya. Ang girl naman, e, nagtrabaho sa ibang bansa, kasama niya du’n ang tibo, matibay ang relasyon nila.

“Hanggang sa isang araw, nagdesisyon na ang girl na umuwi for good. Dito na uli siya magtatrabaho, dito na uli sila mamumuhay ng dyowa niyang tunggril,” kuwento ng aming impormante.

Pagkatapos nang ilang buwan ay nagkita uli ang aktor at ang female personality. Parang kanta ang kuwento ng kanilang muling pagkikita, sinariwa nila ang nakaraan at sabay nilang nasabi, totoo palang first love never dies.

“‘Yun na! Nagkabalikan sila, pero patago lang ang kanilang pagkikita. Kasi nga, nandiyan pa ang tivoling karelasyon ng girl.

“Ibang klase kunong magselos ang tibo, baka may mangyaring kung ano sa lalaki, kaya ingat na ingat silang dalawa.

“Hindi ganu’n kadaling hiwalayan ng girl ang tunggril, napakahaba na ng panahong magkasama sila, saka ang tibo lang ang nakasama niya nu’ng mga panahong medyo pahupa na ang takbo ng career niya.

“Kaya kakaiba ang triangle na itey, maganda ang kanilang kuwento, maingat na maingat sila sa kanilang pagbabalikan dahil baka any moment, e, makaamoy ang tibo at magkaroon ng giyera mundial!

“Naku naman, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, hindi kayo puwedeng sumuko sa panghuhula, kumbaga sa sugal, e, magiging lotlot kayo!” pagtatapos ng aming source.

Read more...