MAGKASANIB pwersang nagsagawa ang Department of Labor and Employment (DOLE) at ang Department of Trade and Industry (DTI) ng joint assembly upang ilapit ang Trabaho, Negosyo, Kabuhayan (TNK) sa iba’t ibang lokal na komunidad sa bansa.
Ang assembly ay bahagi ng employment summit na ginanap noong Disyembre kung saan pinirmahan ng DOLE at DTI kasama ng iba pang kinatawan ng iba’t ibang ahensya sa gobyerno ang Blueprint for Decent Employment and Entrepreneurship 2017-2022.
Meron ng 84 TNK job and business fairs ang naisagawa sa buong bansa mula nang ito ay magsi-mula.
May kabuuang 2,047 employers ang nakibahagi sa nasabing job and business fairs, na naghatid ng mahigit na 360,000 trabaho sa mga Pilipinong naghahanap ng trabaho.
Mahigit 91,600 job applicants naman ang dumalo sa iba’t ibang TNK sites kung saan 9,100 ang naitalang hired-on-the-spot; 1,220 ang nai-refer sa DTI para sa iba pang oportunidad sa pagnenegosyo; at mahigit 2,000 naman ang nai-refer sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) para sa karagdagang skills training.
Isa sa mga estratehiya ng DOLE at ng DTI na ibaba sa lokal na pamahalaan ang TNK upang makapagbigay ng karagdagang trabaho at negosyo sa lokal na komunidad, sa pamamagitan ng job fair at career and employment coaching sa mga barangay.
Ito rin ay isa sa mga paraan upang agad na matugunan ng lokal na pamahalaan ang mga hamon sa kanilang mga lugar.
Sa nasabing assembly, ang DOLE at ang mga Regional Director ng DTI ay bumuo ng TNK Localization and Joint Action Plan 2017-2022, at listahan ng mga aktibidad na bahagi ng TNK Blueprint upang matupad ang layunin na makapaghatid ng trabaho at oportunidad sa mga Pilipino.
Ang mga aktibidad na hatid ng Trabaho, Negosyo, Kabuhayan ay TNK regional summit; job fairs; training/workshops; at mga employment, entrepreneurs
Labor
Communications Office
Department of Labor and Employment
Intramuros, Manila
Telephone Nos.: 5273000 local 621-627
Fax No.: 5273446
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.