ANG sinumang nagkasala sa akin, siya kong buburahin sa aking aklat. Yan ang Pagninilay sa Unang Pagbasa sa Ebanghelyo (Ex 32:15-24, 30-34; Slm 106:19-20, 21-22, 23; Mt 13:31-35) sa paggunita kay San Ignacio ng Loyola.
Nagbabala ang Birhen ng Mabuting Tagumpay noong 17th century sa madreng si Mariana de Jesus Torres ng Conceptionist Convent sa Quito, Ecuador na sa kalagitnaan ng 20th century, sasakmalin ng krisis ang simbahan. Nagbabala rin ang Birhen Fatima na maglalaho ang Diyos sa sanlibutan, pati sa mga namamahala ng simbahan.
Dadami ang mamamatay na taglay ang mortal na kasalanan dahil hindi na ikinalulungkot ang pagsuway sa utos ng Panginoon ng mga Katoliko at maging mga pari nito. Dahil wala na ring nagmamahal sa kabutihan, hindi na katatakutan ang impiyerno.
Hindi na rin binabanggit ang impiyerno sa mga homiliya. Huli kong narinig ang pagpapaliwanag sa impiyerno sa klase ng Katesismo sa mga batang nakatakdang tumanggap ng Unang Komunyon. Hindi sa Misa. Hindi sa Pagninilay sa Mabuting Balita ng Panginoon.
Hindi hinuhusgahan si Msgr. Arnel Lagarejos, kura sa Parokya ni San Juan Bautista sa Taytay, Rizal sa teritoryo ng Diocese of Antipolo, sa kanyang kasong trafficking of a minor (13-anyos) at pagsuhol sa menor (16-anyos) ding bugaw. Ang Diyos ang maghuhusga sa kanya pagsapit ng panahon. Mahirap pagaanin ang sala ng pari na hindi ikinumpisal ang mali; bagkus nagmisa pa.
Pero, malaking eskandalo ang kinasangkutan ng pari. Ang ganitong uri ng eskandalo ang gustung-gusto ni Digong. Ang ganitong kasalanan ang ginagamit ni Digong para mapahiya ang mga Katoliko. Bagaman sa hamon ni Bishop Emeritus Teodoro Bacani ay walang nailabas ng katibayan si Digong, sa kaso ni Lagarejos ay buo ang kuwento.
Bagaman inamin ni Pope Francis na ang simbahan ay malamig ang laban kontra pedophile priests, umiiral pa rin ang “zero tolerance” sa sexual abuse. Kinikilala ng Santo Papa ang pagdurusa ng mga bata sa kuko ng mga hayok na pari. “It is a sin that shames us,” anang Papa.
“Let us find the courage needed to take all necessary measures to protect children,” ani Jorge Bergoglio. “In this area, let us adhere, clearly and faithfully, to ‘zero tolerance.’” Ito ang dahilan kung bakit iimbestigahan ni Archbishop Emeritus Oscar Cruz, Canon lawyer at namumuno ng Tribunal of the First Instance, ang insidente. Ang resulta ay di na dadaan sa CBCP at idederetso na sa Vatican.
Pinagbigyan na kita sa unang SONA. Sa ikalawang SONA, dapat ay wala ka na. Di naman kailangan ang direktor sa SONA dahil ito’y news coverage. Yung mga award-award, di naman kailangan yan sa SONA. Kinabukasan, burado ka na sa kasaysayan dahil ang magagandang retrato ng mga dyaryo ang siyang may mensahe at puwede pang isali sa photo contest.
Ayon sa listahan ng gobyerno, 9.25 milyon sasakyan ang nakarehistro sa Land Transportation Office. Limang milyon sa 9.25M ay motorsiklo. Apat na milyon lang ang apat ang gulong pataas. Teka. Ginagawa yata tayong tanga ng gobyerno. Wala sa kanilang listahan ang bilang ng mga tricycle. Wala rin silang hula kung ilan ang bilang ng colorum, na mas marami ang tatrogurong.
PANALANGIN: O Jesus, ipanapanalangin ko sa iyo, ang mga pari mong nahaharap sa matinding tukso at pagsubok. Tagapagdala sila ng kapatawaran, ngunit pinapatawad ba sila kung sila ay nagkulang?
MULA sa bayan (0916-5401958): Alam ni Duterte kung paano tumulong sa mahihirap ang mga Parojinog. Pero, kung ang pasya ay pairalin ang kanyang ideya ng kabutihan, di kami kokontra. Bigyan ng pagkakataon ang pamilya na ipagtanggol ang kanilang sarili sa husgado. Tesay, Barangay Banadero, Ozamiz City …3878
Kung may Ilaga sa Cotabato, ang Zamboanga Peninsula ay may EFB Christian defenders. Kailangan may supply line ang 2 grupo. Pero, mas gusto pa ng gobyerno na mag-linked sa rebeldeng Moro. Mabutin naman na tinutugis na ang rebeldeng komunista. EFB …0821
Suportado namin ang martial law sa Mindanao. Ayaw namin ng BBL na gusto ni Duterte. Ayaw din namin sa communist rebels. Dagdagan pa ang puwersa ng gobyerno sa Mindanao ng 40,000. Gerahin ang rebelde. Magastos ang peace talks. …6819
Drugs and commercial sex, bakit hindi kayang labanan? Marami na bugaw. …4565, Barangay 10, CDO