PhilHealth beneficiary

AKO po si Lourdes de Lara at kasalukuyang naninirahan dito sa Calapan, Mindoro. Palagi po akong nagbabasa ng inyong pahayagan sa pamamagitan po ng paggamit ng internet. Batid ko po na maraming natutulungan ang inyong column na Aksyon Line. Kaya sana ay matulungan din ninyo ako sa aking katanungan.

Sa susunod na buwan ay mag-60 years old na ako. Nababasa ko sa column n’yo na kapag 60 na ay automatic member na ng Philheath. Ang alam ko ay beneficiary rin ako ng anak ko na member ng Philhealth. Pwede po kaya na ‘yung senior na lang ang gagamitin ko bilang automatic member ng Philhealth at hindi na sa anak ko? Nag-asawa na po kasi siya two months ago at para sa pamilya na lamang sana ng aking anak ang benepisyo na maaaring makuha sa Philhealth. Tanong ko rin kung anong dapat kong gawin para maging automatic member bilang senior citizen.

Sana ay magkaroon agad ng kasagutan ang aking katanungan. Naguguluhan po kasi ako kung ano ang gagawin ko.
Salamat po
Gng. De Lara:
Pagbati mula sa Team PhilHealth!

REPLY: Nais po naming ipabatid na maaari po kayong magparehistro sa ilalim ng RA10645 o ang “Mandatory PhilHealth Coverage for all Senior Citizens” sa oras na ang inyong edad ay 60. Maaari itong isumite sa Office of the Senior Citizen Affairs (OSCA) ng munisipalidad ng inyong lugar. Dalhin lamang po ang mga sumusunod na dokumento:

Maaayos na pinunang PhilHealth Member Registration Form (PMRF), pakitingin ang naka-attach na file;
Senior Citizen’s ID card na nanggaling sa OSCA o anumang dokumento na magpapatunay sa kanyang pagkakakilanlan at kanyang edad tulad ng Birth Certificate o passport.

Ang mga miyembro na nakapagparehistro na sa ilalim ng Senior Citizen category ay maaaring makapag-avail ng PhilHealth benefits nang walang binabayaran na kontribusyon.

Para po sa iba pang katanungan maaari kayong mag-e-mail muli sa amin o tumawag sa aming action center hotline sa numerong (02) 441-7442.

Maaari rin po ninyong bisitahin ang aming website sa www.philhealth.gov.ph

Maraming
salamat po!
Warm regards,
CORPORATE
ACTION CENTER
Website: www.philhealth.gov.ph
Twitter: @teamphilhealth
Facebook: www.facebook.com/PhilHealth
Call Center: 441-7442

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Read more...