Nahinto sa pagbabayad sa SSS

DEAR Liza,
Ako’y natutuwa sa mga katulad n’yong writer na nagsusulat tungkol sa serbisyo publiko.
Isa ako sa mga may inquiry tungkol sa aking SSS. Nahinto ako ng pagbabayad simula pa 2003.
Maaari ko pa ba itong maipagpatuloy? Noong last na hulog ko ang premium ko ay P1K per month kasama na ang hulog ng employer ko. Maaari ko pa rin ba itong gamitin bilang basehan ng paghuhulog ko?
Paano ko ito maipo-process?
Hoping for a quick response. Thanks.
Rosario

Reply: Ito po ay bilang tugon sa liham na ipinadala ni Ms. Rosario kung saan tinatanong niya kung maaari siyang magpatuloy ng paghuhulog ng kanyang contributions sa SSS.
Ang mga dati nang naghuhulog sa SSS at nahinto ay maaaring magpatuloy ng paghuhulog ng kanilang contributions bilang voluntary member.
Ang mga nais magpatuloy ng paghuhulog na umabot na sa 65- taong-gulang ay required na mag-apply para rito.
Tungkol naman sa halaga ng hulog, ang mga voluntary paying members ay bini-
bigyan ng SSS ng kara-patang mamili ng halaga ng kanyang mga contribution na nais niyang ihulog, kailangan lamang na ito ay naaayon sa schedule of contributions ng SSS.
Ang pinakamalapit na halaga ng monthly contribution sa P1,000 ay P1,040 at P988.
Maaari pong bayaran ang mga contributions sa SSS sa mga bayad center, accredited banks ng SSS o sa mga SSS offices.
Sana po ay nabigyan namin ng linaw ang mga katanungan ni Ms. Rosario.
Salamat po sa inyong patuloy na pagtitiwala.
Sumasainyo,
MAY ROSE
DL FRANCISCO
SOCIAL SECURITY OFFICER IV
SSS MEDIA AFFAIRS

Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapag-
lingkuran sa abot ng
aming makakaya. Kaya naman huwag kayong mag-atubiling sumulat sa Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City. Maaari rin kayong mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jbilog@bandera.ph. Serbisyo publiko sa AKSYON LINE. Kakampi mo! Maaasahan!

Read more...