Bagong bagyo nasa PAR; 7 lugar nasa signal no. 1

NAKAPASOK na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Huaning.
Ayon sa state weather bureau, namataan ang sentro ng bagyo na may international name na “Haitang” sa layong 250 kilometro sa kanlurang bahagi ng Basco, Batanes alas-10 ng umaga.
May lakas ito na 75 kph at pagbugso na 90 kph habang kumikilos patungong hilagang silangan sa bilis na 22 kph.
Inaasahan na magdudulot ito ng bahagya hanggang sa malakas na buhos ng ulan sa kanlurang bahagi ng Northern at Central Luzon habang pinapalakas ang southwest monsoon o habagat.
Itinaas na sa Signal no. 1 ang ilang lugar sa Luzon kabilang ang Batanes,
Ilocos Norte, Ilocos Sur, Apayao, Abra, at northwestern Cagayan kabilang ang Babuyan Group of Islands
Binalaan ang mga re-sidente sa posibleng flashfloods at landslides at sa delikadong pagpapalaot.

Read more...