Flight mula Taipei kinansela dahil sa pananalasa ni Gorio sa Taiwan

KINANSELA ang tatlong flight papunta at galing ng Taipei, Taiwan dahil sa pananalasa ng bagyong Gorio matapos namang lumabas ng Philippine Area of responsibility (Par).

Sa isang advisory, sinabi ng Manila International Airport Authority (MIAA) na kabilang sa mga kinanselang flight mula sa Taipei ay ang China Airlines flight 701, Cebu Pacific flight 5J-311 at AirAsia Zest flight Z2-129.
Kinansela rin ang China Airlines flight 702 na papuntang Taipei.
Pinayuhan ng MIAA ang mga kapamilya ng mga pasahero na makipag-ugnayan sa mga airline para sa schedule ng mga bagong flight.

Read more...