Ahron Villena tinawag na exhibitionist, manloloko; uhaw na uhaw sa kasikatan

NAGHUHUGAS-KAMAY ngayon si Ahron Villena, nakahanap siya ng palusot sa ginawa niyang paglalantad sa hubad-hubad niyang katawan sa IG Story niya, pagod at puyat lang daw siya nu’ng mga panahong ‘yun kaya nagkamali siya ng pag-click.

Hindi raw niya ‘yun sinasadya, honest mistake kuno ang nangyari, namali lang daw siya ng pagpindot sa makina kaya kumalat ang hubad-hubad niyang larawan sa social media.

Akala siguro ni Ahron ay tanga ang publiko na basta na lang kakainin at tatanggapin ang kanyang paliwanag. Kung nagpakatanga siya kaya lumabas pati ang dapat ay itinatago niyang ari ay huwag naman sana niyang idamay sa kabobohan niya ang mga netizens.

Siyempre’y alam niya ‘yun, hindi totoong puyat at pagod lang siya kaya niya ipinagmalaki sa buong mundo ang kanyang kahubaran, lokohin pa ba ang publiko sa ginawa niyang kahunghangan?

Kaya niyang lokohin ang ibang tao sa ibang pagkakataon pero hindi kayang lokohin ni Ahron Villena ang lahat ng tao sa lahat ng pagkakataon.

Lalo siyang binash sa social media. Mas madidiing paghusga pa ang ibinato sa kanya. Walang bumawi sa paghusgang nagpapapansin lang siya, uhaw sa kasikatan at pagiging exhibitionist.

Na dapat lang!

Read more...