Female personality mukhang pera, pati pamilya binibiktima

ANG tunay na ugali ay hinding-hindi na talaga mababago pa anuman ang gawin ng mga nasa paligid ng isang tao. Hindi napipilit ang pagbabago ng asal, kung ano siya talaga ay ‘yun na siya, walang pagbabago.

Ganu’n mismo ang paglalarawan ng marami tungkol sa isang maldita at may kabastusang female personality na kung siraan ang kanyang pamilya nu’n ay parang balewala lang ang kanyang ginagawa.

Kuwento ng aming source, “Kung makaasta ang babaeng ‘yun, e, parang wala na siyang kailangan sa mga taong winawasak niya. Mahilig siyang magsalita nang tapos, kung yurakan niya kahit ang mga kadugo niya, e, para lang siyang umiinom ng kape sa umaga sa kakaswalan.

“Remember, siniraan niya nang sobra-sobra nu’n ang mismong tatay niya, di ba? Ang gusto kasi niya, e, siya ang magdesisyon para sa lovelife ng father niya!

“Aba, nang hindi masunod ang gusto ng lokah, e, inupakan niya na ang tatay niya at ang dapat, e, nirerespeto niyang madrasta! Nag-ikot siya sa lahat ng network para lang magpa-interview.

“At naniningil siya ng talent fee sa paninira sa mismong family niya, ha? Pinagkakitaan niya ang mga guestings niya, hindi siya pumapayag mag-guest nang libre, kailangang may talent fee siya talaga!” simulang kuwento ng aming impormante.

Deadma lang ang tatay niya, hindi siya pinatulan at pinansin, nakipagmatigasan siya sa pamilya niya. Ano ang nangyari?

“Ayun, nu’ng wala na siyang malafang, nu’ng wala na siyang maipalafang sa mga dyunakis niya, e, bigla siyang nagpaka-humble. Cry siya nang cry, labas pati ang litid niya sa kaso-sorry sa tatay niya.

“Bumalik siya sa piling ng mga taong ipinakasumpa-sumpa na niya, kasi nga, baka hindi na sila kumain habambuhay kundi siya magpapaka-humble!

“Pero hindi pa rin siya natuto sa leksiyon ng nakaraan, ganu’n pa rin ang ugali niya, pinuntirya pa rin niya ang karelasyon ng tatay niya!

“So kapal ng babaeng ‘yun! Ibang-iba ang ugali niya sa mga kapatid niya, sa totoo lang. Para talaga sa kanya ang sumikat na composition ng tatay niya!” nakasimangot na pagtatapos ng aming source.

Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, may kailangan pa bang clue para matumbok n’yo kung sino ang hitad at may kabastusang babaeng ito, kayang-kaya n’yo na ‘yan!

Read more...