Abogada tinawag si Speaker Alvarez na ‘imbecile’ | Bandera

Abogada tinawag si Speaker Alvarez na ‘imbecile’

Ramon Tulfo - July 29, 2017 - 12:10 AM

NASA spotlight na naman ang Bureau of Customs hindi dahil sa corruption (hindi bago ito), kundi dahil isang empleyada nito ay tumawag kay Speaker Pantaleon “Bebot” Alvarez na “imbecile” o walang utak.

Ang babae ay si Mandy Mercado Anderson na chief of staff ni Customs Commissioner Nicanor Faeldon.

Tinawag ni Anderson ang Speaker na imbecile dahil banta ng mambabatas na itiwalag ang Court of Appeals sa isyu ng “Ilocos 6.”

Inutusan kasi ng Court of Appeals ang Kamara de Representantes na pakawalan ang anim na empleyado ng Ilocos Norte provincial government na nakadetine sa Kamara matapos silang ayaw magbigay ng pahayag tungkol sa diumano’y anomalya sa Ilocos Norte provincial capitol.

Ayaw patulan ni Alvarez, na isang maginoo, si Anderson.

“Demokrasya tayo, bai, and she is entitled to her opinion,” sabi ng Speaker sa inyong lingkod.

“Isa pa, babae yan at hindi ako nang-aaway ng babae,” dagdag pa ni Alvarez, sabay kindat.

Pero hindi matanggap ng mga kasamahan ni Alvarez sa Kamara ang pang-iinsulto ni Anderson sa Speaker.

Sinabi ni Deputy Speaker Miro Quimbo na maaaring ma-disbar o mawalan ng lisensiya sa pagiging abogado si Anderson dahil sa kanyang tinuran.

Unti-unti nang lumalabas ang mga ulat laban kay Anderson.

Isa na rito ay ang diumano’y kanyang relasyon sa isang customs official na may asawa.

Ang isa pang report tungkol sa kanya ay ang pamemenge diumano niya ng kanyang attendance sa isang seminar para sa mga abogado na nagtatrabaho sa Customs.

Ang pinadalo ni Anderson sa seminar, na inobliga ang lahat ng customs lawyers, ay kanyang sekretarya.

Kung nagsinungaling si Anderson sa simpleng bagay na pagdalo sa isang seminar, posibleng magsinungaling din siya sa mga mas mahalagang bagay, sabi ng isang kongresista na ayaw magpabanggit ng pangalan.

 

***

Ang acting Prosecutor General ay si Jorge Galvez Catalan na chief prosecutor ng Makati City, at the same time.

Inapoint ni Justice Secretary Vit Aguirre si Catalan bilang acting chief ng Prosecution Service ng Department of Justice matapos mag-file ng indefinite leave si Prosecutor General Victor Sepulveda.

Si Catalan ay graduate ng San Beda College of Law at miyembro ng Lex Talionis Fraternity na ang mga prominenteng mga miyembro ay sina Aguirre at Pangulong Digong.

Si Catalan, na government prosecutor for 29 years, ay nangako na pabibilisin niya ang resolusyon ng mga kaso na pending sa Department of Justice habang siya’y acting prosecutor general.

Sabi ng aking sources sa DOJ, magiging magaling na prosecutor general, o hepe ng lahat ng mga piskal sa bansa, kapag ginawang permanente na ang kanyang appointment ni Pangulong Digong.

 

***

Displaced kids view Marawi terrorists as heroes—headline ng INQUIRER kahapon.

Bakit? Dahil ang mga ama, tiyuhin, matatandang kapatid at pinsan na lalaki ng mga batang ito ay lumalaban sa Marawi City– sa panig ng mga terorista.

Naturalmente, ang mga batang ito sa evacuation centers ay tinuturing na bayani ang mga terorista sa Marawi.

Ang mga keen observers ay napupuna ang kawalan ng mga lalaking malalakas sa evacuation centers sa Iligan City at ibang parte ng Lanao.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang mga nasa evacuation centers na lalaki ay puro matatandang hindi na halos makalakad.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending