BASAG pala si Lolit Solis sa panglalait na inabot niya sa social media after netizens saw her sa wedding ni Alfred Vargas.
“It’s a gathering of mostly civilised and educated public figures. Clearly this old woman or whatever she calls herself don’t belong there.”
“Hope that lady knows how to understand what you’ve said. Get a life lady!”
“@akosilolitsolis shut your filthy mouth stupid old lady!”
‘Yan ang hanash kay Lolit sa isang Facebook fan page account. Na-hurt ang TV host-talent manager who took to social media para magdrama.
“Patawarin n’yo ako ha pero hindi ako maka-move on doon sa comment ng fan ni Kris Aquino. Sure ako edukada at mayaman iyong nag-comment na ‘yun dahil maganda at flawless ang English. Tutoo nasaktan ako pero alam n’yo ba pumasok sa utak ko iyon mga inaapi at nilo-look down dahil sa status nila sa buhay, sabi niya wala akong karapatan makihalo sa mga disenteng tao sa kasalang Vargas, at my filthy mouth.”
“Alam ko naman kung saan lalagay at hindi porke nakakasama ako sa matataas at mayayamang tao inilalagay ko na sa isip ko na kapantay ko sila, hindi po. Siguro they accept me for what I am, but I know I will never belong, alam ko po na sa mahirap na lugar ng Sampaloc ako lumaki at nag aral sa Moises Salvador Elementary School at V. Mapa High School.
“Mahirap mga magulang ko at lumaking mahirap pero siguro nakakatikim na ng masarap ngayon sa may mga nasa itaas ng lipunan na mahal ako gaya ng mga Vera Perez, Monteverde, Villar at iba pa na naging mabait sa akin pero hindi po ako lumagpas sa linya.
“Alam naman siguro ni Kris Aquino tanggapin biro ko sa kanya dahil there was a time na dalawang beses ko siya ni represent, huwag nang sabihin manager kundi agent at hanggang ngayon ‘di ko malilimutan na Lolit kung tawagin ako ni Presidente Cory Aquino. At ngayon nga sabi niya puwede ko handle ko TV career niya.
“Don’t worry, hindi ako pikon ok lang sa akin iyong masakit na salita na sinabi n’yo at sana hindi ito ginagawa sa mga taong ang tingin n’yo mababa at hindi n’yo kapantay.
“God Bless mas marami akong dapat ipagpasalamat kesa masaktan sa sinabi n’yo. Thank you. #70naako #lolitkulit #instatalk @krisaquino.”