Hunk actor na anak ni Jovit Moya naglalaway kay Andrea

SASABAK na rin sa pagpapaseksi ang anak ng aktor na si Jovit Moya at Kapuso hunk na si Rob Moya. Kasama siyang muli ngayon sa Alyas Robin Hood 2 ni Dingdong Dantes at lalabas bilang pulis.

“Ako ang seksing makinis na may buhok na pulis! Ha! Ha! Ha!” bulalas ni Rob nang ipainterbyu ng GMA Artist Center.

Bihira silang magkita ng ama dahil palipat-lipat ito ng bansa kaugnay ng kanyang trabaho ayon kay Rob. Siya lang ba ang nag-iisang anak ni Jovit?

“Ako lang po. Actually, hindi ko alam! Ha! Ha! Ha!” sey niya. “Tatlo po kami. May ate at saka may brother,” dagdag ni Rob.

Kelan siya magpapaseksi? “Ngayon po nagpapaseksi ako. Kasi ang goal ko talaga, promise ko sa show na ito, I guarantee 150 percent na bibigyan ko sila ng magandang katawan! Ha! Ha! Ha! ‘Yung uso kasi ngayon, ‘yung pulis na may magandang katawan!

“So people wanna see that. ‘Yung mga nanonood, hindi lang babae at bading kungdi lahat, gusto nila ‘yon para maka-inspire din sa tao. Kasi madaming pulis na medyo may tiyan eh,” paliwanag ni Rob.

Kung meron siyang gusto makapareha, si Andrea Torres ‘yon na kasama niya sa series.

“Sobrang dream girl ko siya! Because I find her really, really attractive in and out! Sobrang bait niya!” rason ni Rob.

Read more...