Komedyanang singer nagmaldita sa bar…wala namang ganda

TANDANG-TANDA pa ng aming source kung paano ito pinagmalditahan ng isang hindi kagandahang female personality. Sa isang comedy bar nangyari ‘yun!

Lutang na lutang ang malakas na paghalakhak ng singer-comedienne sa buong bar, kasama niyang nag-iinuman ang kanyang mga kabarkada, maraming naiinis dahil mapang-agaw ng atensiyon ang malakas na pagtawa ng female personality.

Kuwento ng aming source, “Parang pinupunit na yero ang pagtawa niya. Napakalakas. Parang kanyang-kanya lang ang lugar kung makahalakhak siya.

“Siyempre, maraming naiinis, kasi nga, baka ang pinagtatawanan na niya, e, ang mga taong nandu’n. Naghahanap siya ng attention, gusto niyang malaman ng mga tao sa bar na siya ‘yun!” simulang kuwento ng aming impormante.

Maingay pa rin ang komedyana kahit pa may nagpaparinig nang manahimik siya. Wala siyang pakialam, iba palang malasing ang babaeng ‘yun dahil parang wangwang ang kanyang kaingayan, talagang buwisit na buwisit na sa kanya ang mga nasa comedy bar.

“Lumapit ako sa kanya, ayaw pa nga niyang mamansin nu’ng una, sinabihan lang siya ng mga katropa niya na may kumakausap sa kanya. Nilingon niya ako.

“Sabi ko, e, gustong mapanood ng mommy ko ang musical show na kasali siya, hindi naman ako bumibili ng ticket sa kanya, nagtatanong lang ako kung saan makakakuha ng tickets.

“Ang pasigaw niyang sagot sa akin, ‘Hindi ako nagbebenta ng tickets, sa production ka magtanong! Ano ako, ticket booth!’ Sabay irap ‘yun, napakamaldita pala niya, e, puwede naman niya akong sinagot nang maayos.

“Hindi ko makakalimutan ang itsura niya, napakataray niya, e, hindi naman siya kagandahan, marunong lang siyang kumanta! Kaya pala maraming netizens ang nabubuwisit sa kanya.

“Bakit nga ba ganu’n? Kung sino pa ang kapos sa ganda, e, ‘yun pa ang suplada? Kaya pala deny nang deny ang isang aktor tungkol sa ilusyon niya na naging sila!” pagtatapos ng aming source.

Aysus, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, kailangan pa ba ng clue, e, bigay na bigay na kung sino ang malditang bumibida sa kuwentong ito?

Read more...