Mister problemado sa dating misis

DEAR Ateng Beth,

Good morning po.

May tanong po ako sana.  May una na akong naging asawa.  Ang problema namin ay nagkahiwalay kami.  Ilang taon na rin po kaming hiwalay.

Nagkahiwalay kami kasi ang trabaho ko po ay vendor lang po ng tinapay.

Pag galing po ako sa trabaho at pag konti lang ang aking kita ay inaaway niya po ako.  Sinasabi niya

kaya wala akong kita kasi ibinibigay ko raw sa babae ko noon.

Nalaman ko po na siya ang may lalaki, tapos nabuntis siya.

Anong dapat ko pong gawin ngayong pitong taon na po kaming hiwalay at may kinakasama na ako na pangalawang asawa ko po.

May obligasyon pa ba ako sa kanya?  Mapapakasalan ko pa ba ang asawa ko ngayon?

Ako po si Rolando, 41 years old.

Dear Rolando,

Good day naman din sa iyo!

Ano kamo ang dapat mong gawin? Aba’y hindi ba’t ginawa mo na ang gusto mong gawin?  Bakit ka pa nagtatanong. Chos.

Seriously, sabi mo nga ay may kinakasama ka na, so may ginawa ka na!

May kinakasama ka na kamo di ba, so me ginawa ka na!

Hindi mo naman anak yung anak niya di ba, at di naman siya naghahabol sa ‘yo, so wala kang obligasyon sa kanya o sa bata, unless meron kayong naging anak bukod sa sinasabing anak niya sa ibang lalaki.

Pero kung wala naman at naghabol siya, mabuting kumunsulta ka sa abogado.

Kung kasal kayo ng una mong asawa, at di naman nagpa-annul, di ka pwedeng magpakasal sa kinakasama mo syempre.  May mga legal na paraan para sa ganyang mga kaso, Rolando.

May problema ka ba sa puso, relasyon, pamilya? Siguradong may sey si Ateng diyan.  Mag-text sa 09989558253 o kaya ay mag-email sa inquirerbandera2016@gmail.com

Read more...