Lyceum Pirates wala pa ring talo sa NCAA

Mga Laro Bukas
(San Sebastian Gym)

2 p.m. San Sebastian vs Jose Rizal University (jrs)

4 p.m. San Sebastian vs Jose Rizal University (srs)

DINAAN ng Lyceum of the Philippines University sa bilis at laki ang Arellano University tungo sa paghugot ng 99-65 panalo para manatiling malinis ang kartada sa season 93 ng NCAA basketball tournament kahapon sa Filoil Arena sa City of San Juan.

Pinamunuan ni CJ Perez ang Pirates sa natipong 16 puntos kabilang ang walo sa ikaapat na yugto kung saan tuluyang kumawala ang LPU tungo sa ikaapat nitong sunod na panalo.
Ito ang pinakamagandang simula ng Lyceum mula nang sumali ito sa NCAA anim na taon na ang nakalipas. Napantayan din ng koponan ang pinakamahabang winning streak nito sa liga.
Ang lahat ng panalo ng Pirates’ ay itinala nito sa mga koponan na inaasahang sasampa sa Final Four at aagaw pilit sa korona na defending champion San Beda, Jose Rizal University, San Sebastian at Arellano University na pumasok sa finals noong isang taon.
“The championship is not within our reach. It’s there and we just have to keep on winning and getting used to winning together,” sabi ni Lyceum coach Topex Robinson. “It’s still a long way to go.”
Nagpamalas din ng matinding paglalaro ang kambal na sina Jaycee at Jayvee Marcelino partikular na sa depensa matapos kapwa limitahan ang madalas topscorer ng Arellano na si Kent Salado sa kabuuang 11 puntos lamang.
Samantala, tinalo ng Emilio Aguinaldo College ang Mapua, 77-72, para mapaangat ang kartada nito sa 2-2 panalo-talo.
Nagtala si Sydney Onwubere ng game-high 22 puntos habang nag-ambag naman sina Jervin Guzman, Jesse Bautista at Raymund Pascua ng 13, 12 at 11 puntos para sa EAC.
Binigo naman ng San Beda ang Letran, 81-74. —Angelito Oredo

Photo66: Inquirer.net

 

Read more...