TODO-PASASALAMAT ni Piolo Pascual sa Diyos at sa mga taong patuloy na tumatangkilik sa pelikulang “Kita Kita” nina Alessandra de Rossi at Empoy Marquez. Walang dudang tumatabo ito sa takilya kaya naman nagdagdag ng mga sinehan.
“Praise God…on behalf of spring films, viva films, our marketing/promo @cornerstoneofficial, our cast/director, everyone involved in making this project a reality…thank you very much for inspiring us not to give up on our dreams…we’re humbled by the circumstance yet thrilled to be on the same page as everyone that’s seen the film.
“We still adding more theaters to cater to more areas…and this weekend is the best time to be in love, cry, laugh and witness the beautiful love story of Tonyo and Lea…#toGodbetheglory #mabuhayangpelikulangpilipino #itsnowornever #pusolangmaysaging,” post ni Piolo sa kanyang Instagram.
Isa sa producers ng “Kita Kita” si Piolo. Isang mala-king sugal ang sitwasyong pinasok niya dahil hindi naman kilalang box-office stars sina Alex at Empoy.
Pero hayun at waging-wagi ang movie! Basta maganda ang kuwento, direksyon, script at magaga-ling ang mga artista, tinatangkilik ng manonood.
Ang kahanga-hanga sa producers, hindi sila natakot maglabas ng pera para sa marketing at promotions ng movie, huh! Dapat tularan ‘yan ng indie producers na madalas ilihim kesa ipamalita sa lahat ang kanilang proyekto!
Again, congrats sa lahat ng bumubuo ng “Kita Kita”!