Janella nabuking na di talaga type dyowain si Elmo

HALA, tunay namang kakaiba ang mga emote ni Jenine Desiderio kontra katigasan ng ulo ng anak na si Janella Salvador.

Hayan tuloy, pinagpipiyestahan sila at nabuhay na muli ang isyung pakikipagmabutihan umano ng paborito pa naman naming young actress sa isang tibo?

Matagal nang kumalat ang naturang tsismis kahit noong nasa isang daytime show pa lang si Janella. Ang nakakaloka lang dito, kahit ang panliligaw ni Elmo Magalona ay nagmukhang “scripted” dahil sa mga insinuations na hindi naman pala interesado sa mga boys si Janella after all.

Nakakaloka lang. Sayang naman kung sa ganito lang masisira ang gumaganda pa naman sanang career ng dalaga.

 

Read more...