Janella walang karapatang bastusin ang ina kahit nasasaktan na

PINAGPIPISTAHAN sa isang malaking umpukan nu’ng isang gabi ang kakaibang atake ng ina ni Janella Salvador sa pagdidisiplina sa kanya.

Nagkakaisa ang lahat ng nasa umpukan na kung totoo ngang kinakapos sa pagrespeto ang young actress ay mali pa rin ang ginagawa ni Jenine Desiderio na ito pa mismo ang nambabagsak sa kanyang anak.

Hindi raw tama ang kanyang ginagawa na ipinaaabot pa nito sa social media ang mga ginagawa ni Janella, puwede raw naman nilang pag-usapan na lang sa kanilang tahanan ang problema, pero bakit sa publiko pa nagsusumbong si Jenine?

Tama naman ang kanilang punto. Nakalulungkot naman talagang isipin na habang itinataas ng Star Magic ang imahe ng dalaga ay kabaligtaran naman nu’n ang ginagawa ng ina niya mismo.

Maraming oras na puwedeng gamitin ni Jenine para sohetohin ang kanyang anak sa sarili nitong paraan pero hindi ‘yun ang kanyang ginagawa.

At walang pupuntahan si Janella kundi ang manahimik na lang. Kapag sinagot niya ang kanyang mommy at nangatwiran siya ay lalabas siyang bastos na anak.

Puwede siyang bastusin ng kanyang ina pero wala siyang karapatang mangatwiran man lang dahil siya ang babalikan ng publiko.

Read more...