Direk Dante ibinigay ang libreng serbisyo para sa 2nd SONA ni Duterte


SA ikalawang SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw, ang award-winning na si Brillante Mendoza ang muling magdidirek nito.

Ayon kay direk Dante mismong si Sec. Martin Andanar ang humiling sa kanya na idirek muli ang pa-ngalawang State of The Nation Address ni President Digong.

“Sabi ko yes, why not. And then sabi naman ni Sec. Martin baka mahal na. Sabi ko hindi, wala namang bayad ‘yun. Kaya nahihiya na raw siya. Sabi ko, I’m doing this for the country hindi naman kailangan may bayad lahat ng ginagawa ko,” sabi pa ni direk nang makorner namin siya sa presscon ng telesineng Brillante Mendoza Presents Kadaugan na mapapanood sa TV5 sa July 30.

Noong nakaraang taon nagkaroon ng iba’t ibang reaksyon ang madlang pipol tungkol sa mga shots na ginawa niya para sa unang SONA ng pangulo kaya naitanong kay direk kung may mga changes ba siyang gaga-win ngayong araw.

“Minimal siguro hindi naman kailangan…ayoko din na masyadong pinapansin yung mga shots or yung direction kasi it’s not about me, it’s about the speech of the President. So dapat yun ang bigyang pansin, yung magiging mensahe niya sa ating lahat,” paliwanag niya.

Para naman sa kanyang bashers, “With regards to the criticisms, they will always be there. At the end of the day, you cannot please everyone. On my part, I am just doing my job because I am a results-oriented person.”
May 18 camera na gagamitin si direk Dante para makuha ang lahat ng anggulo sa pagdadausan ng SONA.

Tinanong namin ang internationally-acclaimed director kung tatanggapin ba niya sakaling alukin siya ng government position ni Duterte, “No I won’t take it. From the very start I already told everyone that I’m not interested in any position—now and in the future—because I’m not in public service. I am an artist and I think I can do better as an artist.”

Samantala, napanood na namin ang 6th installment ng telemovie series na Brillante Mendoza Presents sa TV5. Ito nga ang “Kadaugan,” na kuwento ng isang Cebuana (Tere) na walang kadala-dala sa pakikipagrelasyon sa mga fo-reigner na gagampanan ni Dionne Monsanto.

Highlight ng programa ang Kadaugan Festival sa Mactan na nagpapakita ng makasaysayang labanan sa pagitan nina Magellan at Lapu Lapu. Kaya kung nami-miss n’yo na ang Cebu o hindi pa kayo nakakarating sa Mactan, perfect timing ang pagpapalabas ng “Kadaugan”.

Ipakikita rin dito kung gaano katapang ang mga Pinay sa kabila ng mga pagsubok ng buhay. Patutunayan din ng “Kadaugan” kung gaano kakatag ang pagmamahal at samahan ng pamilyang Pinoy sa gitna ng mga problema. In fairness, maganda ang kuwento ng “Kadaugan”, siguradong maraming Pinay ang makaka-relate sa karakter ni Tere na isang single mother pati na yung mga kababayan natin na mas gustong makipagrelasyon sa mga banyaga.

Makakasama rin dito ang model-actor at Juan Direction member na si Daniel Marsh, na gaganap na foreigner lover ni Dionne, ang mag-inang Suzette Ranillo at Gloria Sevilla, Matt Daclan, Albert Chan at Keanna Reeves na puring-puri ni direk Dante ang akting sa kanilang telesine. Sa July 30 na yan after Turning Point sa Kapatid Network.

Read more...