Rehabilitasyon ng Marawi, buong Mindanao ngayon na

SA botong 261 “yes”, 18 “no” inaprubahan ng joint Congress ang martial law sa Mindanao hanggang Dec. 13, 2017.
Ito’y upang mapuksa ang banta ng mga terro-rist groups, partikular ang pro-Islamic state na Maute group, at tulungan ang rehabilitasyon ng Marawi City.
Sabi ng oposisyon, 10 lamang sa 27 lalawigan sa Mindanao ang merong banta, bakit daw lahat ay isasailalim sa martial law? Wala raw nagaganap na actual rebellion sa Mindanao. Pero, nagsalita na ang “joint Congress” kaya’t tapos na ang debate at magkaisa na.
Kung susuriin, mahirap makita ang krisis sa Mindanao kapag lokal na isyu ng Marawi ang pag-iisipan. Tingnan na lamang ang “bigger picture” at sinu-sinong bansa ang mas na-ngangamba?
Malaysia at Indonesia: tumutulong na para sa mas mahigpit na sea border monitoring ng Pili-pinas bukod pa sa information sharing sa mga suspected terrorists.
Australia: tumutulong sa pamamagitan ng 2P3 Orion spy planes.
Amerika: nagbigay ng 300 M4 carbines, 4 Gatling style machine guns, 100 M203 grenade launchers at 25 Combat Raiding craft at nagpahiram pa ng kanilang Predator Drone system na posible na nating bilhin. Bukod dito, naka-pen-ding ang kasado nang bentahan ng 27,000 assault rifles sa PNP pero, pinipigil ng US Congress dahil sa human rights issues.

China: Nagbigay din ng 3,000 rifles, isang mil-yong bala at 90 long range sniper rifles na may 800,000 rounds. At meron pa raw darating na armas bago mag Disyembre.
Russia: Nag-alok ng submarines pero tinanggihan ng Department of National Defense dahil hindi natin kaya ang maintenance nito. Nag-offer din sila ng 27,000 assault rifles kay Pangulong Duterte, “buy one take one” kung hindi ituloy ng Amerika ang bentahan nito dahil sa “human rights”.
Japan: Nag-alok ng dalawang higanteng “remote controlled robots” na sinasabing mas mahusay daw sa mga tangke at helicopters sa mga digmaan.
Maging ang Singapore ay nagpahiram ng C-130 bukod sa kanilang unmanned aerial vehicles o mga drones para gamitin sa Marawi dity.
Kung tutuusin, mistulang “multi-national force” na ang nabuo u-pang labanan ang terorismo sa Mindanao. At lahat ng bansa ay interesado na mapuksa, mahinto, mapigil ang Islamic State-Maute-Abu Sayyaf groups na magkaroon ng “regional base” sa Mindanao para maghasik ng lagim sa buong Southeast Asia.
Lalong-lalo na ngayon na malaking bahagi ng Mindanao ay “ungoverned” “no man’s land” kung saan walang kinikilalang batas kundi baril, kidnap for ransom, pulitiko, drug dealers, terorista at iba pa.
Mahirap makabangon ang mga mamamayan dito kung problema ang peace and order. Paano uunlad ang kabuhayan ng mga taga-Mindanao?
Kasabay ng pa-ngakong rehabilitasyon ng Marawi city, ang pagtatayo ng 830 kilometer Mindanao railway (Tagum-Davao-Digos) na magkokonekta sa Butuan, Cagayan de Oro, Gensan, Iligan, Surigao, Zamboanga City kasama na ang mga seaports, at economic zones, ay nakaumang na rin.
At kung patuloy na tatahimik ang MNLF at MILF, at sumama pati NPA, ang kaunlaran ay darating sa mga kababayan nating Muslim at Kristiyano diyan sa Mindanao.
Totoo, mahaba ang 161 araw na ang Mindanao ay nasa ilalim ng batas militar, pero panahon na para magsimula tayo. Magtulungan na lutasin ang problema ng kapayapaan at kahirapan ng buhay ng ating kababayan. Isang pambihirang pagkakataon na mahihirapang maulit sa hinaharap.

Para sa komento o tanong, mag-email sa inquirerbandera2016@gmail.com

Read more...