Dalawa ang Boyfriend

Sulat mula kay Vivian ng Diaz Subdivision, Lagao, Gen San City
Dear Sir Greenfield,
Dalawa ang boyfriend ko sa ngayon, pero hindi nila alam na dalawa sila sa buhay ko. Ang una ay isang engineer na tawagin na lang nating Mr. Virgo isinilang noong September 18, 1989 at ang ikalawa naman ay isang seaman na tawagin na lang nating Mr. Aries na isinilang noong April 16, 1990. August 10, 1992 naman ang birthday ko. Itatanong ko lang sana sa inyo kung sino sa dalawang boyfriend ko ang mas ka-compatible ko at dapat kong mapangasawa, upang magkaroon ako ng isang maunlad at maligayang pagpapamilya. Sa ngayon kasi balak kong mag-stick to one na lang para wala na akong pinoproblema pa. At itatanong ko na rin po sana kung kailan kaya ako makapag-aasawa, yon ibang mga friends ko kasi ay may mga asawa at mga anak na?
Umaasa,
Vivian ng Gen San
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Iisa lang naman ang makapal at tuwid na Marriage Line (Illustration 1. arrow 1.) sa iyong palad. Tanda na darating ang panahong makapapamili ka ng lalaking karapat dapat sa iyo at sa sandaling nag-asawa ka na, may pangako ng isang maligaya, maunlad at pang habang buhay na pagpapamilya.
Cartomancy:
Ten of Hearts, jack of Hearts at Queen of Clubs ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa taong 2019 sa edad mong 27 pataas, makapag-aasawa ka na, at habang buhay na magiging maligaya.
Itutuloy…

Read more...