SOBRANG pagkaawa ang nararamdaman ngayon ng mga kababayan natin sa isang young actress na mismong ina ang nagpapalutang tungkol sa katigasan ng kanyang ulo.
Pero hindi na nagulat pa ang mga kasamahang artista at production people sa inasal ng kanyang ina, matagal nang ganu’n ang ugali nito, kaya maraming nakikisimpatya sa batang aktres.
“Bago pa ba naman ‘yun? Dati nang problemado ang bagets sa mommy niya. May mga pagkakataon pa ngang dumarating sa location ang bagets na naka-taxi lang.
“Paano, nandu’n lang sa house nila ang car niya, pero hindi ipinagamit ng mommy niya, dahil may pinagtalunan sila!
“Ganu’n ang ugali ng mommy niya, talagang pinahihirapan siya. Tama bang pabayaan mo ang anak mong mag-taxi na lang, samantalang ang dami-daming kuwentong kumakalat ngayon tungkol sa mga pasaherong binabastos ng mga walang modong taxi drivers?
“At tama rin bang pasabayin mo na lang ang anak mo sa production crew kapag tapos na ang trabaho niya? Kababaeng tao ng anak niya, pero tinitiis niya nang ganu’n-ganu’n na lang!” naiinis na kuwento ng aming source.
Palagi palang nagkakaroon ng argumento ang mag-ina dahil nabubuhay sa kahapon ang mommy ng young actress.
“Ayaw niya kasing makisabay sa panahon. Akala yata niya, e, ‘80s pa rin ngayon, ang mismong time niya. E, anong year na ba ngayon? Pinag-iiwanan na siya ng panahon, sa totoo lang!
“Nakapako pa rin ang utak niya sa panahon niya, samantalang millennial na ngayon, di ba? Paano nga sila magkakasundo kung ang gusto niya ang ipipilit niya sa anak niya?
“Wala silang open communication. Takot ang napi-feel ng bagets, kaya paano na ang relasyon nilang mag-ina? Hanggang paganyan-ganyan na lang, sisiraan niya ang anak niya sa madlang people kapag naisipan niya!
“Pangaralan n’yo nga ang babaeng ‘yan, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, pabalikin n’yo na lang siya sa Saigon, para manahimik na ang buhay ng anak niya!” nakataas ang kilay na pagtatapos ng aming source.