Pof kay Cacai: Tigilan na ang ilusyon, hayaan niyang magsalita ang gilagid niya, no!

AHRON VILENA AT KAKAI BAUTISTA

SINOPLAK ni Ahron Villena si Cacai Bautista sa social media. Hindi pinaligtas ng tisoy na aktor ang binitiwang komento ng hindi kagandahang komedyana tungkol sa kanyang pagkatao.

“Accepted ko naman kung anuman siya,” ‘yun ang naging dahilan ng pagresbak ng aktor sa dati niyang kaibigan na ang pinalalabas na insinwasyon ay nagkaroon sila ng relasyon na higit pa sa pagkakaibigan lang.

Matindi ang balik ng nainis na aktor sa komedyana, ano raw ba ang alam nito tungkol sa pagkatao ni Ahron, naging sila ba? All caps pa ang salitang NEVER sa resbak ng aktor dahil kung siya ang tatanungin ay never talaga silang nagkaroon ng relasyon ni Cacai.

Sabi ng kaibigan naming propesor, “Ito naman kasing babaeng ito, e! Para lang siya mapag-usapan kung anu-ano ang pinagsasasabi! Wala naman silang relasyon ni Ahron other than friendship, pero kung makapagsalita siya, e, para bang pinatulan nga siya nu’ng lalaki!

“Tama na kasi ang mga ilusyon, magpakatotoo na lang! Feeling-beautiful naman kasi ang Cacai na ito! Pabayaan na lang kasi niyang magsalita ang mga gilagid niya, ‘no!” naiinis na komento ni prop.

Aray ko!

Read more...