Gil di ipinahiya ang GMA, matindi ang kamandag sa mga Pinoy

GIL CUERVA

BILIB na bilib naman ang mga Kapuso viewers and fans kay Gil Cuerva dahil simula nang umere ang serye nila ni Jennylyn Mercado na My Love From The Star, pinatunayan na niyang karapat-dapat siyang tawaging Pinoy Matteo.

Bukod sa kanyang good looks and charming perso-nality, hindi talaga maikakaila ang husay niya lalo na kung babasahin mo pa ang mga comments ga-ling sa viewers at netizens pati na rin ang mga papu-ring galing sa mga showbiz reporter.

Ang dami talagang kinikilig sa kanila ni Jen at lutang na lutang ang kanilang chemistry! Kahit ito ang kanilang first team up, na-patunayan nila na karapat-dapat talaga sila na gumanap sa coveted roles nina Steff at Matteo. Talagang magaling ang pagkakagawa ng GMA at na-pull off nila ito perfectly.

 

Read more...