TATLONG female celebrities ang sabay-sabay nagbubuntis ngayon: sina dating SexBomb Girl Jopay Paguia, Kaye Abad at Nikki Gil.
Ibinalita ng mister ni Jopay na si Joshua Zamora sa Instagram ang good news, “And now with love, we joyfully announce the coming of our newest member of the family. Another sweet smile to brighten our day, another small hand to hold on the way! A new hand to hold, a new heart to love.”
Ibinandera naman ni Nikki sa IG ang kanyang baby bump kasama ang asawang si BJ Albert.
Excited na rin si Kaye sa unang baby nila ni Paul Jake Castillo. Ayon sa aktres, ito na ang best birthday gift na natanggap niya this year.
MOST READ
LATEST STORIES