Takot sa babae, makapag-aasawa pa kaya?

Sulat mula kay Gaspar ng Acop, Rosales,
Pangasinan
Dear Sir Greenfield,
Sa edad ko pong 43 ay binatang-binata pa rin ako at hindi nagka-girlfriend ng seryoso ni minsan. Sa darating na September 16 ay 44 na ako at matagal ko ng dinadasal-dasal na sana ay may matisod akong isang babaing mabait, kahit na hindi masyadong maganda na naghahanap din ng mapapangasawa. Since birth ay hindi talaga ako nagkanobya, dahil mahiyain ako sa babae. Tinutukso nga ako ng mga kaibigan ko na takot daw ako kasi sa babae kaya ako tumandang binata. Kaya gusto ko sanang malaman kung sa edad kong ito at sa kalagayan ko na ito na isang simpleng accountant lang sa isang maliit na opisina, ay kung makapag-aasawa pa kaya ako? At kung makapag-aasawa pa, kailan kaya ito mangyayari at sino kaya ang babaing darating?
Umaasa,
Gaspar ng
Pangasinan
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Sadyang may malinaw at mahaba namang Marriage Line o Guhit ng Pag-aasawa (Illustration 1. arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin kahit abutin ka pa ng 44 o 45 years old, wala namang problema, sapagkat darating at daraiting ang saktong panahong makakatalisod ka rin ng isang babaing makakasama mo sa pagbuo ng isang maligaya at pang habang buhay na pamilya.

Cartomancy:
Jack of Hearts, Queen of Clubs, at Ten of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing kahit medyo may edad ka na, tunay ngang “young at heart” at medyo “batang isip” ka pa sa kasalukuyan, kaya naman ang babae na magi-ging girlfriend mo sa buwan ng Oktubre, ay medyo bata sa iyo ang edad.
Itutuloy…

Read more...