Totoong tao si Sarah, hindi siya plastik!- Direk Theodore Boborol

PURING-PURI ni direk Theodore Boborol ang dalawang lead stars sa bago niyang pelikulang “Finally Found Someone” ng Star Ci-nema, sina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo.

Ayon kay direk, hindi siya pinahirapan ng kanyang mga artista sa kabuuan ng kanilang shooting at aminado siyang marami rin siyang natutunan sa kanyang mga artista.

Tinanong ang direktor kung anong nagustuhan niya sa dalawang bida ng kanyang latest film, “For me, si John Lloyd kasi is really sa artistry. He’s really aiming for artistic growth all the time, it doesn’t want to…parang feeling ko at the end of the day whether he’s doing commercial movies or independent film.

“Gusto niya may bago siyang naibibigay sa mga manonood not necessarily sa acting but thru the characters, journey or ‘yung story itself, ayaw niyang sino-shortchange ‘yung audience and so when he acts, he always gives his best.

“He prepares, kapag may dramatic scenes, hindi mon a nakakausap ng masaya kasi nagpi-prepare siya. He sees to it that he prepares for every dramatic scene that he is going to do,” paliwanag ni direk.

“With Sarah naman, I really like her transparency, madali siyang basahin, meaning akala ko kasi Sarah Geronimo na siya may kini-keep siya pero once you get to know her…masaya siya kung masaya siya, kung malungkot siya, malungkot siya, hindi ka niya paplastikin.

“In a way, she is like her character in the movie, her character is so transparent and so honest in her emotions. So ‘yun ‘yung na-appreciate ko sa kanya kasi nakikita ko kung ano ‘yung mood niya for the day, madaling basahin and for me that works na nakakatulong ng malaki para sa isang director.

“If you can be able to read the mood and the feelings of the actors kasi alam mo kung paano hihilahin. Kaya nga po sa movie na ito, kailangan may bago rin akong maibigay,” sabi pa ni direk Boborol.

Aware ba siyang magaling siyang director? “Ha-hahaha! Parang sabi po nila, pero ayaw ko pong matulad sa ibang director na akala nila Panginoon na sila, ayaw kong mapunta roon ayaw kong maging ganu’n na lumalaki ang ulo na hindi na nakikinig ng constructive criticism kasi pag ganu’n, walang artistic growth, sobrang bilib sa sarili, nakakatakot.”

May kilala ba siyang director na lumaki na ang ulo at sumobra na ang yabang? “Naririnig ko lang, sabi nila, wala pa po, naririnig lang, so far naman lahat ng nakatrabaho ko, hindi naman ganu’n, lalo na ‘yung 80’s pa.”

Ano ang mas fullfiling at interesting, ang magdirek ng pelikula o teleserye? “Mas may fulfillment ‘yung movies kasi mas boses mo talaga, saka siyempre ‘yung manonood, bibili talaga (tickets), pupunta sa mall tapos at the same time, ‘yung proseso itself. Sa serye kasi minsan ang dami ninyong director, tapos iisipin mo ‘yung ratings,” esplika sa amin.

Sa tanong namin kung totoong nag-reshoot sila sa “Finally Found Someone” at itinapon ang 15 days na nakunan na, “Nabasa ko nga ‘yan, hindi po totoo ‘yun, nag-revise po kami ng script kasi kailangan sa mga naunang movie nina Sarah at John Lloyd, may bagong makikita sa manonood, e, parang mas gusto kasi ng audience nila na more kilig moments, so iyon po ‘yung nilagay din.”

Read more...