Carla tawang-tawa kay Jen sa My Love From The Star

HINDI lang pala ang mga solid fans ni Jennylyn Mercado ang aliw na aliw sa karakter niyang Steffi sa GMA Telebabad series na My Love From The Star.

Kahit pala ang kapwa niya Kapuso actress na si Carla Abellana ay tawang tawa sa akting niya sa serye every night. Kung hindi man daw naaabutan ni Carla ang MLFTS sa TV, pinapanood daw niya ito sa YouTube.

Sa Instagram video na ipinost ng girlfriend ni Tom Rodriguez, maririnig ang hagikgik niya while watching sa makulit na akting ni Jen sa harap ng isang teddy bear.

Hindi lang daw kasi pagpapakilig ang hatid nila ni Gil Cuerva (gumaganap na Matteo) sa serye, nakakapagpaalis din daw sila ng stress at bad vibes sa buhay. Ayon pa kay Carla, mahirap ang ginagawa ni Jennylyn sa MLFTS, napagsasabay kasi nito ang pagpapaiyak at pagpapatawa sa audience kahit sa isang eksena lang.

In fairness, maraming social media followers sina Carla at Jennylyn ang um-agree rito. Pinatunayan lang daw ni Jen na karapat-dapat siya sa title na Ultimate Kapuso Star.

Maraming nakapanood sa episode na ikinukuwento ni Carla, ito ‘yung kinakausap ni Jennylyn ang kanyang giant teddy bear. Winner talaga ang acting du’n ng Kapuso actress dahil kahit hindi siya nagpapatawa sa eksena ay talagang hahagalpak ka na lang dahil sa kanaturalan ng kanyang akting.

Sabi ng isang netizen, tanging si Jennylyn lang ang makagagawa ng ganu’ng klase ng akting na hindi OA at hindi nakakairitang panoorin.

Mas nagiging exciting na ngayon ang takbo ng kuwento ng My Love From The Star dahil ginagawa na ni Jackson (Gabby Eigenmann) ang lahat para mawala na sa eksena si Steffi. Pero siyempre, hindi papayagan ni Matteo na masaktan ni Jackson ang babaeng itinitibok ng kanyang puso.

Patuloy na subaybayan ang My Love From The Star gabi-gabi sa GMA Telebabad.

Read more...