Bansuting comedian may dalang sumpa sa mga nagiging dyowa


MARAMING nabubuwisit ngayon sa isang komedyanteng mahusay magpaikot ng ulo at puso ng mga kababaihan.

Mahusay rin siyang magpanggap na parang walang alam pero ang totoo ay pinaglalaruan niya ang emosyon ng mga babaeng nakakarelasyon niya.

Suwerte ng komedyante dahil ang mga babaeng personalidad na pumapasok sa kanyang bitag ay magaganda, may talento at kilala na, para tuloy siyang ipinaglihi sa hinog na mangga sa pagiging user at manloloko.

Kuwento ng isang source, “Feeling na feeling din kasi ang mokong na ‘yun, e! Porke may mga girls na nagsasabing malaking factor ang pagkakaroon ng sense of humor sa gusto nilang maging boyfriend, ang pakiramdam ng hitod na komedyanteng ‘yun, e, siya na nga ‘yun!

“Basta nararamdaman niyang may gusto sa kanya ang babae, sugod mga kapatid na ang drama niya, magpaparamdam na siya sa girl, hanggang sa pasukan na niya at ligawan!

“At ang drama niya, e, walang aminan. Kailangang lihim lang ang relasyon nila, kailangang hindi ‘yun lumalabas, deny-deny lang ang drama nila pag may time!

“Paano nga, marami siyang nililigawan, pasok siya nang pasok sa alanganin, habang ang girlfriend niya naman, e, iling nang iling sa kadedenay kapag tinatanong kung magkarelasyon ba sila!

“Ganu’n ang drama ng nakakabuwisit na komedyanteng ‘yun na ang feeling, e, regalo siya ng langit sa mga kababaihan!” inis na kuwento ng aming impormante.

Hiniwalayan siya ng una at ikalawang nakarelasyon niya dahil sa pagiging playboy niya. Suwerteng mga girls dahil ang gaganda ng takbo ng career nila ngayon.

“May kaalatan ang lalaking ‘yun! Kapag wala na siya, e, saka gumaganda ang career ng girl. May sumpa ang komedyanteng ‘yun!

“Nakakaawa naman ang babaeng pinaniniwala niya ngayon na nag-iisa lang sa puso niya. Paniwalang-paniwala naman sa kanya ang babae, pero kailangan niyang magmatyag, baka dalawa o tatlo sila ngayon sa buhay ng komedyanteng super-feeling!

“Baka naman mauntog sa tamang panahon ang girl at hiwalayan na rin niya ang guy na akala mo kung sinong napakatangkad kung pumorma!” pagtatapos ng aming source.

Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, getlak n’yo na kung sino ang bansuting komedyanteng itey?

Baka naman makabog pa kayo ni Ching Bautista Silverio sa panghuhula?

Read more...