Vhong nagpapatawa sa Showtime pero halatang apektado pa rin sa ‘Deniece Cornejo rape case’

HALATA ngang may pinagdadaanan si Papa Vhong Navarro matapos umikot muli sa social media ang ilang update sa isinampang rape case ni Deniece Cornejo laban sa kanya. Ito’y kaugnay pa rin ng maiskandalong pagkikita nila sa “condo” some years back.

Ang nakagugulantang ngayon, ang noo’y tila kakampi niyang si Tony Calvento na naglabas din ng mga istorya kaugnay ng nasabing kaso ay tila nasa kampo na ngayon ni Deniece.

Matagal na itong dinidinig sa korte at umuusad naman so far ang kaso, pero ngayong may mga bagong pasabog na naman si Deniece, aba’y tila isa na naman itong episode sa teleserye na pinagpipistahan sa social media.

Kitang-kita nga na apektado pa rin ang magaling na TV host-comedian kahit pa sobrang aliw at saya ang mga ganap sa It’s Showtime. Kahit tumatawa at nagpapatawa si Papa Vhong, makikita sa kanyang mga mata ang kakaibang lungkot.

Hay, hindi pa rin talaga niya natatanggap ang tamang hustisya sa mga bangungot na minsan niyang kinasadlakan. We can only pray for the real justice to prevail.

Read more...