WALANG idea si Ria Atayde kung saan nagsimula ang isyu na may namamagitan sa kanila ni Piolo Pascual.
Sa panayam sa kanya ng Magandang Buhay kahapon, sinabi niyang magkaibigan lang sila ng aktor.
“Hindi ko nga alam, si Kuya Piolo naman ‘yon, hello? Wala lang ‘yon,” paglilinaw ng dalaga.
Naging isyu kamakailan ang pagho-holding hands nina Ria at Piolo sa ASAP, pero sabi ng dalaga,
“Sobrang close naman kami, hindi lang alam ng tao ‘yon,” ani Ria.
“Ang tawag niya sa akin, ‘my Angel.’ Siya, my Kuya. So, my Kuya, my Angel, ganoon,” aniya pa.
MOST READ
LATEST STORIES