KASAMA sa selection committee ng Metro Manila Film Festival 2016 si Mae Paner a.k.a. Juana Change ngunit isa siya sa mga natanggap ngayong 2017.
Totoo kaya na may sinasabing hindi maganda si Juana Change laban sa mga bagong upong miyembro ng selection committee para sa MMFF 2017?
May ipinost din si Ms. Paner na conflict of interest daw ang pagkakasali ng pelikulang “Ang Panday” ni Coco Martin sa MMFF 2017 dahil franchise raw ito ni Da King, Fernando Poe, Jr. at isa nga si Sen. Grace Poe sa miyembro ngayon ng execom.
Umalma naman si Ms. Susan Roces dahil hindi raw pag-aari ni FPJ ang “Panday” kundi ni Carlo J. Caparas.
Isa pang gusto naming malaman kung totoong nagpa-appoint si Ms. Paner bilang isa sa execom member kapalit ng mga nag-resign na sina Ricky Lee, Rolando Tolentino at Kara Magsanoc-Alikpala.
Parang conflict of interest din ito sa komedyana dahil pagkatapos niyang mag-post ng tungkol sa “Ang Panday” at magsalita ng hindi maganda sa MMFF ay heto’t gusto niyang umupong member ng executive committee?
May isa pa pala, noong isa siya sa mga miyembro ng selection committee para sa MMFF 2016 ay nag-promote raw ito ng “Sunday Beauty Queen” at nakitang sumakay pa sa float ng nasabing entry. Totoo po ba ito Juana Change?