Mayabang na gov't exec nagpasaklolo sa dami ng kontrobersya | Bandera

Mayabang na gov’t exec nagpasaklolo sa dami ng kontrobersya

Den Macaranas |July 14,2017
facebook
share this

Mayabang na gov’t exec nagpasaklolo sa dami ng kontrobersya

Den Macaranas - July 14, 2017 - 12:10 AM

BIGLANG naglie-low ang isang opisyal ng pamahalaan na talagang yumabang mula nang mabigyan ng juicy position ng pangulo.

Dati ay halos oras-oras kung mag-upload siya ng kanyang mga Facebook posts, ngayon ay may mga tauhan na siyang gumagawa nito para sa kanya.

Ilang araw na kasing laman ng mga balita ang kanyang pangalan kaugnay sa ginawa niyang pananakit sa isang nakursunadahan niya kamakailan.

Kasunod nito ay lumabas rin ang mga balita tungkol sa kanyang maluhong pamumuhay na hindi naman niya kayang gawin sa kanyang sarili kundi gamit ang resources ng kanyang tanggapan.

Pati ang ilan sa mga dati niyang kasamahan sa organisasyon na kanilang kinaaaniban ay nagtataka dahil mabilis na lumaki ang ulo ng ating bida mula ng ma-appoint sa nasabing posisyon.

Mula sa pagkakaroon ng maraming mga bodyguards hanggang sa mamahaling mga gamit sa opisina ay daig pa raw niya ang gumagastos ng sariling pera.

At ngayong may problema siya dahil unti-unting lumalabas sa publiko ang kanyang mga kalokohan ay saka niya biglang naalala ang mga dating kasamahan.

Sinabi ng ating Cricket na humihingi ng ayuda ang ating bida para sa magandang PR at nang mailayo ang isyu sa kanyang pangalan kaugnay sa mahinang performance sa ahensiya.

Hindi naman talagang ganun kaganda ang performance sa kanyang tanggapan dahil una sa lahat ay hindi naman siya qualified sa pwesto na pinaglagyan sa kanya ng administrasyon.

Pilit lang siyang nabigyan ng pwesto dahil sa kanyang mga tulong noong halalan.

Kabilang din sa mga nabigyan ng pwesto sa gobyerno ang ilan sa kanyang mga malalapit na kaanak.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang opisyal ng gobyerno na nagpapasaklolo para pabanguhin ang kanyang pangalan sa mata ng pangulo at publiko ay si Mr. M…as in Mayabang.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending