Paolo 1 taon inatake ng depresyon dahil sa sex video scandal: Parang ayoko na ngang lumabas ng bahay! | Bandera

Paolo 1 taon inatake ng depresyon dahil sa sex video scandal: Parang ayoko na ngang lumabas ng bahay!

Ervin Santiago - July 14, 2017 - 12:25 AM

PAOLO BEDIONES

DUMAAN sa matinding depresyon ang TV host-news anchor na si Paolo Bediones matapos masangkot sa iskandalo dahil sa pagkalat ng kanyang sex video.

Halos tatlong taon na ang nakalilipas nang kumalat sa internet ang sex video scandal ni Paolo.

Hinding-hindi raw niya makakalimutan ang petsang July 27, 2014 dahil ito ang naging hudyat para mawalan siya ng trabaho sa TV5 bilang news anchor at maranasan ang matinding pamba-bash ng mga netizens.

Si Paolo ang naging host sa event ng Cignal Entertainment kamakalawa ng gabi sa EDSA Shangri-La kung saan ni-launch ang mga bago nitong projects, at dito nga siya muling nakausap ng ilang members ng entertainment media.

Ayon sa TV host, talagang inatake siya ng sobrang depresyon nang mangyari ang “bangungot” na iyon, “It was really bad, pero hindi naman suicidal, pero dumating sa punto na ayoko nang lumabas ng bahay. The shame, siguro mga first two, three months, parang, ‘Ano nga ba ang gagawin ko?’ Na-depress ako about a year, but nawala ang depression when I decided to just get up and continue with my life and work. Nag-host din ako ng mga events.”

Inamin din niya na mula nang sumabog ang kanyang video scandal, wala nang masyadong kumukuha sa kanyang serbisyo, kaya nag-aral daw siya uli, kumuha siya ng Master’s sa AIM, Masters in Entrepreneurship at nakatakda na siyang magtapos next year.

Mukha namang naka-move na talaga si Paolo sa kinasangkutang iskandalo three years ago, maganda na uli ang kanyang aura at very positive ang kanyang mga pananaw ngayon sa buhay. And in fairness, wala pa ring kupas ang galing niya as host, pinatunayan niya na karapat-dapat talaga siyang bigyan ng second chance.

Kaya naman super excited na si Paolo sa bago niyang project na mapapanood sa Cignal Entertainment, ang musical-talk show na Good Vibes With Paolo.

“Naniniwala ako na buhay na buhay ngayon ang OPM, marami pa ring mga banda na gustong makilala at mai-share ang kanilang music. Dito sa show namin, gusto ko rin lang i-share yung passion ko for music. Kaya ‘yan ang tinarget ko,” sabi ng binata.

Napanood namin ang teaser ng Good Vibes With Paolo at mukhang inspiring nga ito, lalo na sa mga talentadong Pinoy na nangangarap maka-penetrate sa music industry. Sey ni Paolo, makiki-jam siya sa mga magiging special guests niya sa show at balak din nilang i-record (in digital format) ang mga original songs na maririnig n’yo sa GVWP para maiparinig sa mas malawak na market.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending