Yuck daw: Kuyukot ni Kiray pinagtripan ng bashers

Larawan mula sa Instagram account ni Kiray Celis

WHEN Kiray Celis posted a photo and a short video while in a beach na kasama niya ang boyfriend niyang model-actor na si Kirst Viray, marami ang kinilig.

Sadly, marami rin ang nang-okray sa dalaga. May mga napa-yuck dahil kita ang kuyukot ni Kiray sa suot niyang black shorts.

“Nagpost ako na nasa beach. Tapos naka shorts ako pero kita kuyukot ko. Bakit daw kita pwet ko? ANO BA! Nasa beach nga diba?

Naka shorts na nga ako! Paano pa pala kung nagpanty pa ako? OH ETO! MORE PWET PA PARA SAINYO!” caption ni Kiray patungkol sa kanyang bashers.

Tuwang-tuwa naman siyang ipinagtanggol ng kanyang fans.

“Love the caption @kiraycelis mga inggit lng po mga ngsasabi ng gnon po..bsta i love the view and the caption. bgay s mga bitter hahahah.”

“Ang sexy kse kya ingget sila sa pwet mo kiray. Hahaha. yaan mo lnq asarin mo pah cla lalo Go! Post lnq nq sexy pic hehehe.”

May isang eksena kung saan sinasakal niya ang kanyang BF with this caption, “Sabi ko dahil 100k na followers niya dito sa instagram dapat may boomerang siya na tumalon sa dagat eh. So sige, eto nalang! Peymut @kirstviray!”

Napa-yuck din ang mga bashers ni Kiray dahil dikit na dikit ang katawan ng dalaga sa kanyang BF. May mga nasagwaan, may nagtaas ng kilay at may nang-okray talaga.

“Masagwa lng xa tingnan kc hindi mtangkad c kiray pro kung matangkad xa ok lng sana. utgan na imong oyab kiray,” say ng isang basher.

Read more...