SORRY na lang sa mga patuloy na nangnenega sa FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin. Sa kabila ng ginagawang pamba-bash ng ilang netizens ng Kapamilya action serye ay patuloy pa rin ang paghataw nito sa ratings game.
Dedma lang si Coco at ang Dreamscape Entertainment sa mga naninira at nagpapakalat ng kanegahan about the series dahil ang mahalaga sa kanila ay ang patuloy na pagtitiwala at pagtutok ng madlang pipol sa programa gabi-gabi.
Patunay dito ang napakaraas pa ring rating ng Ang Probinsyano last Monday, nakapagtala ang programa ng national TV rating na 36.6% kontra sa 17.4% ng katapat nitong show. Ibig sabihin, hindi totoo na pinagsasawaan na ng publiko ang serye ni Coco.
Samantala, sa pagpapatuloy ng kuwento, nagbabalik na ang bangis at tapang ni Cardo (Coco) sa muling pagseserbisyo niya bilang miyembro ng Special Action Force (SAF), handang-handa na siyang makipagsagupaan sa hukbo ng Pulang Araw.
Tuloy-tuloy pa rin ang aksyon gabi-gabi ngayong bumalik na sa serbisyo si Cardo para na rin maipaghiganti ang pagkamatay ng anak nila ni Alyanna (Yassi Pressman) at iligtas ang mga inosenteng buhay mula sa kamay ng mga rebelde.
At para sa kanyang unang misyon bilang SAF, agad siyang ipinadala sa labanan upang sugpuin ang mga miyembro ng Pulang Araw na nagdadala ng kaguluhan sa bayan ng San Gabriel. Sabay naman dito ang patuloy na pagmamanipula sa kanya sa pagpapakita ng suporta ni Director Hipolito (John Arcilla), na kasabwat pala ng rebeldeng grupo na gumawa ng mga krimen at pagmukhaing siya ang umaayos sa mga ito para sa hangarin niyang maging senador.
Tutukan ang mga bagong hamon na haharapin ni Cardo, mabigyang-hustisya na nga kaya niya ang pagkamatay ng kanyang anak? Malaman na kaya niya kung sino ang tunay niyang kalaban?
Huwag palampasin ang mga maaaksyong tagpo sa numero unong primetime teleserye, FPJ’s Ang Probinsyano, gabi-gabi sa ABS-CBN.